_pang-masa
^
Maine, nag-positive sa COVID-19?!
Maine

Maine, nag-positive sa COVID-19?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 17, 2021 - 12:00am

Mukhang postponed ang pilot telecast ng show sa TV5 na pagsasamahan nina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros bilang hosts.

Kung hindi kami nagkakamali, search ito sa mga Pinoy-pop band. Ni-retweet nga ni Meng ang isang tweet kaugnay nito para sa mga audition ng gustong sumali.

May recent development kasi kaming nabalitaan. Nag-positive raw si Maine sa COVID-19, huh! Isang insider sa Eat Bulaga ang nakuhanan namin ng info.

Of course, kailangan pa naming kumpirmahin kung totoo ngang positive ang resulta ng test ni Meng sa COVID-19, huh!

Eh sa mga ganyang sitwasyon, hayaan na lang natin ang Eat Bulaga ang magkumpirma tungkol dito. Missing in action din ang Phenomenal Star sa ilang episodes ng Eat Bulaga nitong mga nakaraang araw.

Kung totoo mang positive sa COVID, kasama na siya nina Allan K at Wally Bayola na kapwa COVID survivors, huh!

One year na ang bansa nang unang maranasan ang lockdown. Dumarami na naman ang nagkakaroon ng virus.

Walang pinipili ang COVID, kilala ka man o ordinaryong tao.

Patuloy lang ngayong mag-ingat at mahirap magkaroon ng COVID!

Malampasan sana ni Meng ang krisis na ito sa kanyang kalusugan kung totoo man ang balita namin!

 

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with