^

Pang Movies

Rachelle Anne, kasama ang nanay sa panganganak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rachelle Anne, kasama ang nanay sa panganganak
Rachelle Anne at Mama Russell

Wish granted kay international stage actress-singer Rachelle Anne Go-Spies, ngayong ilang araw na lamang at magsisilang na siya ng first baby nila ng American businessman husband niyang si Mark Spies. Dumating na sa London ang Mama Russell niya, as per her Instagram post: “My Mama Russell! Love you! Happy Mother’s Day (in UK) and to all the moms & soon to be moms out there.  Soooo grateful that my mama is here with us, cannot wait to learn more about motherhood.  Excited din ako for her to meet Baby Spies....soon!!!”

Siyempre ay very happy ang friends niya rito, like Lea Salonga, sa coming baby nila na secret pa ang gender.

Gardo, nangongolekta ng high heels

May ibang pinagkaabalahan ang actor na si Gardo Versoza noong magkaroon tayo ng community quarantine simula noong March 15, 2020. Nahilig siya sa paggawa ng video sa TikTok, tulad din ng iba pang celebrities, na ang layunin niya ay magpasaya ng fans.  Kung ang iba ay simple dance covers lamang ang ginagawa, iniba ni Gardo ito, sa pamamagitan ng pagsusuot niya ng high heels at short shorts habang nagsasayaw. “Naisip ko kasing kailangan lumevel-up ako, so hanggang napunta sa stiletto,” sabi ni Gardo sa interview niya sa 24 Oras. “’Yung ngayon, parang platform na tapos mga eight inches na ang taas ng mga isinusuot ko.”

Sa iba’t ibang ginagawa niyang video, dumami na nang dumami ang high heels niya, na kuwento pa  niya ay bigay lahat ng wife niya na kasama rin niyang nagti-TikTok. “Palagay ko babae ako sa past life ko,” biro ni Gardo.  “Kaya iyan din ang nagiging libangan namin sa lock-in taping namin ng First Yaya at kung minsan niri-require ko rin ang mga actor na kasama kong mag-TikTok, na magsuot ng high heels.”

Masayang-masaya si Gardo na kahit seryoso ang kanyang character sa romantic-comedy series na First Yaya bilang si Congressman Luis Prado, nailalabas pa rin niya ang mga kakulitan niya behind the camera.

Gabi-gabi nang napapanood ang First Yaya topbilled nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, pagkatapos ng 24 Oras, 8 p.m. sa GMA 7, GTV at Heart of Asia.

The Clash champion, biktima ng bullying kaya nagpaayos

Nang muling mag-appear sa All-Out Sundays si The Clash 3 champion na si Jessica Villarubin last March 14, marami agad nakapuna na may nagbago sa kanyang face. Hindi naman nagkaila si Jessica, hindi niya itinago na kaya pansamantala siyang nawala sa AOS, ay dahil nagpa-enhance siya, na matagal na niyang gustong gawin, kasi noong bata pa siya, subject na raw siya ng pambu-bully ng mga kalaro niya.  At nang magsimula na siyang mag-audition, kahit maganda naman talaga ang boses niya, parang hadlang sa kanya ang looks niya para siya mapili.

Ngayon, mas may confidence na si Jessica at thankful siya kay Christian Bautista na isa sa judges ng The Clash 3, na iginawa siya ng first single niya which she recorded sa GMA Music, ang Ako Naman na siya rin niyang victory song nang manalo siya sa grand finals ng musical competition.

vuukle comment

RACHELLE ANNE GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with