^

Pang Movies

Andrea, tuloy ang pananahimik!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Andrea, tuloy ang pananahimik!
Andrea

Maraming nakakapansin na wala man lang reaction si Andrea Torres sa kanilang biglaang hiwalayan ni Derek Ramsay. Tahimik lang siya at hindi pinapansin ang mga kuwentong animo’y iniinggit siya sa sobrang sweetness ng relasyon nina Ellen Adarna at Derek.

May kuwento pang handa na raw magpakasal ang dalawa at natagpuan na kuno ni Derek ang babaeng karapat-dapat na iharap sa altar.

Kung ibang babae ito lalo na’t palengkera, tiyak na hindi palalampasin ang mga ganitong pralala pero tila, nakakaalarma ang pananahimik ni Andrea na baka may pasabog naman siyang isasagot.

O baka naman kasi nasa lock-in taping ng seryeng Legal Wives ang aktres kung saan kasama niya sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali kaya deadma lang siya sa pag-iingay nina Derek at Ellen.

Agimat… nambibitin

Bakit daw tila nakabitin pa ang Agimat Ng Agila ni Senator Bong Revilla. Marami na raw sa fans ng senador ang naghihintay dahil matagal na nilang hindi napapanood sa TV ang paboritong action star-senator.

Si Sanya Lopez naman ang leading lady ni Sen. Bong sa naturang serye.

Pang-award ang akting...

Mukhang puwedeng manalo ng acting award si Rhian Ramos sa seryeng Love Of My Life. Nag-iisa siyang lumalaban sa mga taong inaakala niyang nang-aapi sa kanya.

Maging si Coney Reyes ay sinasagut-sagot niya subalit sa totoong buhay, ayon kay Rhian, napakabait daw ni Coney na ‘anak’ pa kung tawagin sila sa set sa Tagaytay.

Napag-alaman din niyang isang preacher si Coney at very religious pala ito.

Napirata sa Macho Dancer… nawalan ng follow-up 

Ano na nga ba ang naging resulta sa nabalitang pinirata raw ang pelikulang Anak Ng Macho Dancer?

Nakilala kaya ang mga namirata ng pelikula ng producer na si Joed Serrano?

Napakadali na rin kasi talagang piratahin ng mga pelikula ngayon lalo na’t online ito pinapalabas.

Maaalalang dumulog sa NBI ang nasabing producer para sampahan ng kaso ang mga namirata ng pelikulang pinagbidahan ni Sean de Guzman.

 

 

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with