_pang-masa
^

Richard at Sarah, nag-wedding anniversary na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 16, 2021 - 12:00am

Idinaan sa social media ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang first wedding anniversary.

Na-postpone ang kasal nina Richard at Sarah last year sa isang five-star hotel sa Taguig City dahil sa pandemic na dala ng COVID-19.

Natuloy rin naman ang kasal pero simpleng ceremonies na lang ang ginawa nila kasama ang pamilya at mahal sa buhay.

Eh dahil pandemic pa rin, sa social media account ng mag-asawa ang selebrasyon. May post na video si Sarah sa kanyang Instagram na may kasamang mensahe ng pagmamahal.

“Happy one year, my love @richardgutz je t’aime,” bahagi ng caption ni Sarah.

Sa IG naman ni Richard, iba’t ibang litrato ng kanilang pagmamahalan ang ipinost niya. Bahagi ng caption ng aktor, “You are the pillar or my life and I wake up every morning trying to become a better man because of you.

“I love you and I will forever cherish you. #MrAndMrsGutz.”

Biniyayaan ng dalawang anak na lalaki sina Richard at Sarah.

Sarah, tahimik pa sa pagbabati nila ni Mommy Divine

Naintriga ang netizens at fans ni Sarah Geronimo-Guidicelli sa isang post sa IG.

Tila pinu-promote kasi ni Sarah ang produktong ibinebenta ng kanyang Mommy Divine mula sa farm ng kanyang ina.

Ibinebenta ang mga produkto sa IMO Wholesale Food sa Quezon City.

Nagkaroon ng misunderstanding ang mag-ina noong ikasal si Sarah kay Matteo (Guidicelli). Wala pang kumpirmasyon sa mag-ina kung nagkaayos na silang dalawa.

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with