^

Daniel, naalala sa boses ni Kelvin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 14, 2021 - 12:00am

Boses ni Daniel Padilla ang naaalala namin sa boses ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda tuwing nakakapanood kami ng GMA News and Public Affairs fantasy-romance na The Lost Recipe.

Eh ‘di ba, medyo nasal ang boses ni Daniel kapag nagsasalita o nagbibitiw ng dayalog sa eksena niya sa TV o movie?

Of course, more than Kelvin’s message, interesting ang kuwento ng The Lost Recipe. Nakakabitin ang kada episode nito lalo na’t 45 minutes lang yata ang time slot nito kung hindi kami nagkakamali.

Mabuti na lang at malakas din ang chemistry nina Kelvin at kapareha niyang si Mikee Quintos kaya naman nakakagiliw itong panoorin.

Anyway, kaboses man ni Kelvin si Daniel, kinilala naman ang Kapuso actor nitong Marso sa 4th Asia Pacific Luminare Awards bilang Philippines’ Fast Emerging Actor of the Millenium.

Nitong January naman, tinanggap ni Kelvin ang Best Young Actor sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa pelikulang Dead Kids.

Rachel, humagulgol sa Takipsilim

Binuhos na ng singer-actress na si Rachel Alejandro ang kanyang luha sa music video ng bago niyang single na Takipsilim.

Ang kanta ang unang single ni Rachel matapos ang ilang taon at inspirasyon niya ang nangyaring pandemic.

Eh dahil sa pandemic, dalawang movies ang napurnada. Ang musical na Song of the Fireflies kasama si Morisette Amon at ang Song For Selina mula sa producers ng pelikulang Quezon’s Game.

Nasa New York ngayon si Rachel kasama ang foreigner na asawa.

Produced ng Rebel Records ng pinsan niyang si Nino Alejandro ang Takipsilim at released under Warner Music at available for download sa Spotify.

KELVIN MIRANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with