^
Allan K. nganga pa sa hacker ng kanyang IG

Allan K. nganga pa sa hacker ng kanyang IG

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 13, 2021 - 12:00am

Nganga pa rin ang komedyanteng si Allan K sa kanyang Instagram account as of this writing.

Na-hack kamakailan ang IG ni Allan.  Agad siyang humingi ng tulong sa kakilala pero as of yesterday, kakaiba pa rin ang naka-post na picture.

Eh ang nakakaloka pa, tila Arabic ang caption na nakalagay sa picture na gamit ang user name ng komedyante na @allan_klownz.

Ang huling post ni Allan na siya talaga ang naglabas ay ‘yung guesting niyang huli sa The Boobay and Tekla Show.

Tanging Twitter na lang ang social media account ni Allan.

Saan ba nire-report pag na-hack ang Instagram, Salve A.?

Jaya, walang naging fallback

Babalik (o nakabalik na?) sa States ang singer na si Jaya kasama ang kanyang pamilya.

Madalang na rin kasi ang trabaho ngayon kay Jaya. Hindi rin naman niya sineryoso ang pag-arte kaya wala siyang fall back ngayong wala na rin siyang TV show.

Galing naman sa States si Jaya bago nadiskubre ni Pilita Corrales. Naging successful naman ang singing career niya at nagkaroon ng hit songs sa bansa nang kung ilang taon.

‘Yun nga lang, iilan na lang kasi ang singers ngayon na tambak ang trabaho at may nagagawang concerts.

Good luck, Jaya, na naging co-host rin ni Allan sa isang game show.

JAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with