^

Pang Movies

Sharon at Robin, magtatambal uli sa pelikula?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi pala nagbibiro si Boss Vic del Rosario na ngayong tapos nang mag-shooting si Megastar Sharon Cuneta ng comeback movie niya sa Viva Films na Revirginized, kasama si Rosanna Roces at leading man niya si Marco Gumabao, ay may kasunod na rin siyang gagawing isa pang pelikula.  Natawa nga si Sharon na kung kailan daw kinu-consider na niyang mag-retire sa showbiz saka naman sunud-sunod ang dating ng work niya, TV at movies. 

Sino kaya ang magiging leading man ngayon ni Sharon? Sabi lamang ng Viva Films, isang nagbabalik raw na dating ka-love team ni Mega.  Mukhang malabo si Gabby dahil may ginagawa itong rom-com series sa GMA-7, ang First Yaya,  si Ormoc Mayor Richard Gomez naman ay abala sa kanyang bayan dahil sa pandemic na pinagdaraanan ng mga constituent niya.  So, si Robin Padilla kaya iyon?

Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng movie or TV show si Robin ngayon kaya possible na siya na kaya?  Hintayin na lamang natin ang susunod na announcement ng Viva or ni Megastar.

Mika napagkamalan lang na magpapa-binyag

Fake news ang balitang preggy ang girlfriend of almost three years na ni Nash Aguas na si Mika dela Cruz, nakababatang kapatid ni Kapuso actress Angelika dela Cruz.

Kumalat ang balitang iyon nang mapanood sa video online ang dalawa na nakasuot ng puting dress si Mika habang kandong siya ni Nash.  May caption pa si Nash na “imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz.”

Iyong nakakita ng post ni Nash ang gumawa ng maling kuwento, kaya ang sagot niya: “Itong picture na ito, mukhang nakapambinyag si Mika.  So sabi ko sa caption na imbitado sa binyag kasi mukha siyang bibinyagan, na pinick-up naman sa YouTube at buntis nga raw si Mika.

 “Sinend sa akin ng tropa ang link. HAHAHA MAG-INGAT PO KAYO SA FAKE NEWS bye socmed na ulit.”

Naging mag-on sina Nash at Mika in 2018, matapos niyang aminin na crush niya ang dating kasamahan sa Goin’ Bulilit, at niligawan. At going strong pa rin ang kanilang relasyon hanggang ngayon.

Glaiza at Rayver handa na sa nagbabagang…

Nagsimula na ang lock-in taping ng upcoming GMA Network drama series na Nagbabagang Luha na unang ginampanan nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion. Bago sila tuluyang pumasok sa location, nagpakita muna ang production kung sinu-sino ang gaganap sa serye.  Pangungunahan ito nina Glaiza de Castro at Rayver Cruz, na ididirek ni Ms. Gina Alajar. 

So, nangangahulugan ito na pahinga muna ang cast ng natapos nang afternoon prime series na Prima Donnas dahil magdidirek muna ng ibang serye si Ms. Gina.  Since naka-lock-in taping na rin sina Glaiza at Rayver, hindi na muna sila mapapanood sa All-Out Sundays.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with