_pang-masa
^

Ate Vi, pinakamaligaya sa kasalang Luis at Jessy?!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - March 13, 2021 - 12:00am

Sa kumakalat na balitang kasal na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, inaasahan ang pinakatuwang- tuwa ay si Ate Vi (Vilma Santos). Sa wakas daw ay dininig na ni Lord ang panalangin niyang magkaapo na kaya lang hindi pa natin ito sigurado dahil wala pang kumpirmasyong nanggagaling sa magkarelasyon.

Baka naman fake news na naman ito gawa ng mga anik-anik na vlogger?

Sanya, lula kina Sen. Bong at Gabby

Masuwerte naman si Sanya Lopez among young Kapuso stars. Imagine, nakatambal niya sa seryeng Agimat ng Agila si Sen. Bong Revilla at Gabby Concepcion naman sa First Yaya. Mukhang malaki ang tiwala ng GMA Network sa kakayahan ng Bulakenya star kaya’t sinugal nila ito bilang kapareha ng dalawang sikat na aktor.

Nalula nga raw si Sanya noong malamang siya ang napisil ng Kapuso para maging leading lady ng mga bigating aktor sa dalawang proyekto.

Ang aktres naman na ex-beauty queen na si Pilar Pilapil ang gaganap na kontrabida kay Sanya sa First Yaya. Naging beauty queen din three years ago si Sanya bilang Ati-Atihan Queen Festival ng DZRH.

Mga Sharonian, hirap sa digital

Marami ang nagtatanong kung saan daw kaya ipapalabas ang comeback movie ni Megastar Sharon Cuneta, ang Revirginized, ng Viva Films.

Pinigilan na naman kasi ang nakatakdang pagbubukas ng mga sinehan. Ayaw naman daw manood ng ibang fans ni Sharon lalo na ang mga may edad na ng pelikula nito sa digital lalo’t hindi raw madaling i-operate.

Ano ba yan, isang taaon nang sarado ang mga sinehan. Nagugutom na ang mga empleyado ng mga sinehan. Baka naman puwede nang mabuksan dahil malaking tulong ito sa mga nawalan ng hanapbuhay.

‘Yun nga lang kailangan ng ibayong pag-iingat kung sakali dahil mas dumami pa ang tinatamaan ng nakakamatay na pesteng covid.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with