_pang-masa
^

Liz, balik-showbiz na

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - March 12, 2021 - 12:00am

Hindi lamang mga mga bata, new faces at current stars ang kinokontrata ng Viva Artists Agency (VAA) kundi pati na rin ang ibang mga datihang major stars sa kani-kanilang henerasyon tulad nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Cristina Gonzalez at iba pa.

Lumagda rin ng management contract ang isa pang comebacking actress na si Liz Alindogan, dating modelo at isa sa mga discoveries ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Si Liz kasama nina Carmi Martin, Yehlen Catral at Anna Marie Gutierrez na ipinakilala ni Dolphy sa kanyang 1980 hit movie na Dolphy’s Angels.

Huling napanood si Liz sa TV series na 100 Days in Heaven in 2011 na tinampukan nina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria at ang child star na si Xyriel Manabat.

Sa anim na anak ni Liz, wala ni isa man sa kanila ang nagkainteres na pumasok ng showbiz.

Sam at Anthony, anak naman ang paplanuhin

Magkasunod na ikinasal ang kambal na Australian-born Filipino-Czech professional basketball players na sina David at Anthony Semerad sa kanilang respective fiancees na sina Gwen Zamora at Sam Pinto.

Sina David at Gwen ay ikinasal sa France noong nakaraang February 13 habang sina Anthony at Sam ay nagkaroon din ng intimate civil wedding ceremony noong nakaraang March 8 sa rooftop ng Conrad Hotel sa Pasay City.

Sina David at Gwen ay meron nang almost two-year-old son na si Cooper John. Nauna ang kanilang anak bago sila nagpakasal.

Prince Harry sobra ang pagmamahal sa asawa

Talk of the town (worldwide) maging ng British royal family ang ginawang pagsisiwalat at pasabog ng dating American actress na si Meghan Markle sa American TV Talk Show queen na si Oprah Winfrey tungkol sa kanyang naging buhay sa loob ng royal family magmula nang sila’y magpakasal ni Prince Harry noong May 19, 2018.   Ito ang naging rason kung bakit nagdesisyon si Megan at asawang si Prince Harry na kumalas na sa royal family noong January 2020 at mamuhay nang normal sa Amerika kung saan ipinanganak at lumaki ang dating aktres.

Nakaranas si Meghan ng diskriminasyon sa pamilya ni Prince Harry at hindi rin binigyan ng titulong prince ang kanilang anak na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor na magdadalawang taon on May 6.

Sobra ang pagmamahal ni Prince Harry sa kanyang asawang si Meghan kaya pati ang kinagisnan at kinalakihang pamumuhay sa kanilang royal family ay kanyang tinalikuran.

 

 

ALMA MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with