_pang-masa
^
Pia, pinanindigan ang pagiging âQuaranQueenâ
Pia

Pia, pinanindigan ang pagiging ‘QuaranQueen’

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 11, 2021 - 12:00am

“QuaranQueen” ang tawag ngayon kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil fourth time na pala siyang nagka-quarantine since last year.

Ilang beses na rin kasing nag-abroad si Pia kahit may COVID-19 pandemic at talagang kailangang mag-quarantine.

Sa ngayon ay nasa isang quarantine hotel/facility sa may Makati City si Pia dahil kababalik nga lang niya ng bansa mula sa Morocco.

Eh, iba na rin ngayon ang health and safety protocols for arriving passengers lalo na at galing siya sa London, kaya one week muna siya sa quarantine hotel/facility na ‘yon. Kapag lumabas na ang PCR swab test niya at nag-negative siya, uuwi na si Pia at sa place niya tatapusin ang isang linggo pang quarantine.

Actually, ‘yung quarantine hotel/facility na tinutuluyan ngayon ni Pia ay ang lugar din na tinuluyan ni Lovi Poe nang manggaling naman ang Kapuso actress sa Los Angeles, California.

Doon din nag-stay ang businesswoman/philanthropist na si Chemist Pinky Tobiano nang manggaling siya, pati ang mister niyang si Juancho Robles, sa Singapore.

Grateful Tuesdays, wish mainterbyu si Pangulong Duterte

Speaking of Chemist Pinky, kahapon ay katsikahan ko siya at naikuwento nga niya na dream talaga niya na mai-guest sa kanyang online show na Grateful Tuesdays si President Rodrigo Duterte.

Nang tanungin nga siya sa presscon para sa third season ng Grateful Tuesdays kung sino ang gusto niyang mainterbyu para sa nasabing charity online show nila nina Jaya at Zephanie, si Pres. Duterte ang isinagot niya. “Jun, gusto ko talaga si Pres. Duterte. Sana magawa nga namin na mai-guest siya sa Grateful Tuesdays,” sey ni Chemist Pinky.

Pero sa napakaraming natulungan na at tutulungan pa ng online show ni Chemist Pinky, I’m sure, hindi siya tatanggihan ni Pres. Duterte kung magsasabi lang siya, huh!

Anyway, sa Tuesday na magbabalik sa Cornerstone Entertainment at Chemist Pinky Tobiano Facebook pages at CS Entertainment Kumu channel ang Grateful Tuesdays.

Tutukan ninyo ang online show na ‘yon dahil baka isa kayo sa mga masuwerteng matulungan nina Chemist Pinky, Jaya at Zephanie, huh!

 Coco, ginanahan sa TV5

Ang tsika na baka hanggang next year pa abutin ang FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Sa ngayon, 5 ½ years na silang umeere.

Lalo pa nga raw ginaganahan ngayon si Coco Martin sa kanyang action series dahil bukod sa A2Z free channel, may TV5 na rin sila at ok din naman sila sa cable, TFC (The Filipino Channel), online at iba pang streaming apps, huh!

Ang bongga! ‘Yun na!

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with