_pang-masa
^

Kilalang aktor, pinaiiral pa rin ang pagiging maangas

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 11, 2021 - 12:00am

Umiiral pa rin ang pagiging maangas ng isang kilalang aktor. Nabawasan man siya ng mga trabaho noong kasagsagan ng pandemya, nabiyayaan uli siya ng work nang lumuwag ang quarantine.

Minsan kasing naimbitahan ang aktor sa isang lihim na event sa isang hotel, pumunta muna siya sa comfort room bago gawin ang trabaho.

Eh dahil may gumagamit pang iba sa cubicle, waiting muna ang aktor. Nang lumabas ang lalaking gumamit ng cubicle, nakita ng lalaki ang aktor at tila nagulat.

Agad inabot ng lalaki ang kamay sa aktor upang makipagkamay. Hindi nakipagkamay ang aktor.

Sa halip ay sinabihan nito ang lalaki na maghugas muna ng kamay dahil baka mula ‘yon sa paghawak ng ari niya habang umiihi!

Naghugas naman ng kamay ang lalaki. ‘Yun nga lang, nasa loob na ng cubicle ang aktor at natagalan bago lumabas.

Juday, nalipasan ng gutom sa pagtatrabaho

Nanaig ang gutom kesa sa antok kay Judy Ann Santos matapos ang sagsagang trabaho upang matapos ang trabaho at maihatid ang lahat sa oras.

Kaya sa litrato sa kanyang Instagram, nakaupo si Juday habang lumalantak ng tila sandwich, huh!

Pinasalamatan ni Judy Ann ang staff ng kanyang Angrydobo na nagtulung-tulong upang ma-achieve sa oras ang trabaho. 

 

ACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with