^
Marian, nagpasalamat sa 90th birthday ng lola
Ziggy at Lola

Marian, nagpasalamat sa 90th birthday ng lola

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 10, 2021 - 12:00am

Pinasaya ni Marian Rivera ang kanyang lola nang umabot ang edad nito sa 90 years old.

Ang anak na si Zia ang nag-abot ng birthday cake sa lola nito at kinarga naman ng lola si Ziggy na naka-post sa Instagram ni Yan.

“90 years na pasasalamat sayo Ama sa walang hanggang pagmamahal kay Nanay…Nawa’y patnubayan, gabayan at palakasin mo pa sya.

“Maligayang kaarawan Nay. We love you so much,” caption ni Marian sa pictures ng simpleng birthday celebration.

Bumati rin sa lola ni Yan sina Julie Anne San Jose, Boobay, Rocco Nacino at iba pang celebrities.

Aba, bihira na ang taong nakakaabot sa edad na 90, huh! Lalo na ngayong nariyan pa ang COVID-19!

Nadine at Maja tsugi, Kim bagong mukha NG international brand

Sosyal ang latest achievement ni Kim Chiu!

Si Kim ang bagong mukha ng foreign clothing brand na H&M.

“THIS IS IT! I still can’t believe it! Everything now is so surreal!!! Shot this weeks ago, and here it is,” bahagi ng caption ni Kim sa video.

Nagpatikim ang Chinita Princess ng kanyang kaseksihan dahil may shots siyang naka-two-piece bikini, huh!

Nag-init kaya ang ilan niyang followers dahil sa suot na ‘yon ni Kim, huh!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with