^

Pang Movies

Beth, grabe ang mga karanasan sa Amerika

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Beth, grabe ang mga karanasan sa Amerika
Beth at Adam

Natuwa naman ako sa interview nila Gorgy Rula kay Beth Tamayo. At least maganda na ang buhay niya ngayon sa US at nalagpasan na niya ‘yung mga mahirap na pagsubok.

Isa sa may pinakamagandang mukha noon si Beth sa mga artista, at isa rin sa pinakamabait kaya hindi kataka-taka na maraming naging kaibigang tumulong nang magkaroon ng problema.

Alam ng lahat na best friends sila ni Judy Ann Santos kaya hindi kataka-taka na isa ito sa malaki ang naging tulong nang magkaroon ng problema sa buhay si Beth. Ang isang malaking reveal ay ang pagtulong ni Sharon Cuneta na isa rin pala sa mga naging ka-close ni Beth.

Nakakaiyak ang mga naging experience niya, ‘yung hirap niya habang she’s trying to earn her living sa US. Iyon bang kahit naging maganda ang buhay niya rito, na­ging baby sitter, kahera at kung anu-anong trabaho habang naroon. Isang patunay na ‘pag gusto mo talagang mabuhay, lahat papasukin mo para kumita ng pera.

Mabuti na lang at maayos na ngayon ang buhay ni Beth, at siguro kahit ang mga iniwan niyang problema rito maayos din para makabalik-bansa siya at makita ang naiwang pamilya rito.

Basta mabait ang isang tao, darating at darating ang panahon na kung may problema ka, maaayos din ang lahat. At maligaya kami para kay Beth Tamayo. 

K-actor, tinanggal sa proyekto dahil sa nakaraan

Sad naman ako sa nangyayari ngayon sa BFF ng Korean actor na si Nam Joo-hyuk na si Kim Ji-soo. Naging bestfriends sila nang gawin ang Scarlet Heart five years ago. Hanggang ngayon very close pa rin sila. Lately nasa news si Ji Soo dahil sa kaso ng bullying na nangyari noong nasa middle school pa siya.

Humingi na siya ng apology pero parang meron pa ring backlash sa kanya ‘yung ginawa niya noong bata pa siya. Hindi ko maisip how ‘yung mistake mo noong kabataan mo will now stop you from growing up, ‘yung magiging hadlang iyon para magtagumpay ka. So unfair, dahil bata ka pa siyempre iba pa ang visions mo, iba pa ang ugali mo, at habang nagma-mature ka, siyempre maayos na rin ang magiging buhay mo, nagbabago ka, nagsisisi sa nagawa mo noong bata ka pa.

Pero sa kaso ni Ji Soo, ngayon lang lumabas ‘yung mga nagawa niya noong bata pa siya, ‘yung kalupitan daw niya sa schoolmates niya. Why? Dahil sikat na siya? At sa tagal ng panahon, hindi na nalimutan ng isang bata iyon? Hindi na siya pinatawad? Inalis sa isang project si Ji Soo dahil sa kumalat na issue, hindi natin alam kung ano ang magiging resulta nito, pero sana naman, maging mapagpatawad sila lalo pa nga at siguro naman nagsisi na si Ji Soo.

Hayaan natin na maabot niya ang tagumpay. Second chance in life, give him that, huwag nating harangin ang magandang takbo ng buhay niya ngayon. Fighting, Ji Soo.

Naku ha, affected ako kay Kim Ji-soo.

vuukle comment

BETH TAMAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with