_pang-masa
^
Billy at Coleen, muntik nang ibenta ang mga ari-arian
Billy at Coleen

Billy at Coleen, muntik nang ibenta ang mga ari-arian

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 9, 2021 - 12:00am

Every problem has a solution. Ito raw ang paniniwalang kinagisnan ni Billy Crawford sa kanyang American father (he’s an only child, Filipina ang kanyang ina), which never fails, kung sabagay.

Iyon nga lang daw, sometimes the solution comes too long, ‘yung tipong halos nawawalan ka na ng pag-asa, na naganap daw kay Billy kamakailan nang mag-shut down ang ABS-CBN, dala nga na hindi in-approve ng Congress ang application nito na ma-renew ang franchise.

E, at that time raw, bagong kasal sila ni Coleen Garcia at usapan nilang magkapamilya agad.

Nagplano raw sila na umalis ng bansa and was about na to sell, kung anumang properties meron sila.

Then, the offer nga to host Lunch Out Loud (LOL) from Brightlight Productions, na ipapalabas on TV5, came.

And on March 13, 6 p.m., he will host The Wall Philippines, which both Viva Entertainment and TV5 will produce.

By the way, Billy, together with Coleen, is now under contract to Viva Artist Agency.

Star Magic, the talent arm of ABS-CBN, used to handle his and Coleen’s showbiz career.

Ogie, nawindang sa tawag noon ni Lovi

Guess what Ogie Alcasid and Lovi Poe have in common?

Well, they share the same talent manager, Leo Dominguez. Kay Lovi raw unang “natikman” ni Ogie na matawag na ‘Tito.’

Dati raw ang tawag sa kanya ng younger stars ay ‘Sir Ogie.’

Now that Lovi has turned singer herself and even has a single released abroad, can we expect, her and Ogie to do a duet? Or why not an appearance together in a show.

Ogie has an upcoming performance with Ian Ve­neracion, yes, called Virtually Yours, KilaboTitos.

A digital concert comedy show, ipapalabas ito sa March 26.

Arjo, hinangaan nang gumanap na gay designer

Idol pala ni Arjo Atayde ang late versatile performer na si Eddie Garcia, na kakapirma lang ng kontrata sa ABS-CBN.

Kaya, for his first project for the Kapamilya, he has suggested to write, direct and produce a movie in Eddie’s honor.

And who knows, baka siya na rin ang gumanap na lead actor ng pelikula.

Si Arjo ang gumanap na gay designer, Rocky Gathercole, sa episode ng Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Congrats, Arjo, for a job well done.

Cherry Pie, nabigla sa pagpasok sa showbiz ng anak

Now a Star Magic talent, whose current head is direk Lauren Dyogi, is Nio Tria, only child ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Ikinabigla raw ni Cherry Pie ang desisyon ng anak to join showbiz, as in the field of tennis, he already excels. Naging champion na ito sa ilang tennis tournament.

Nio’s real name is Jose Antonio Tria. His dad, Gary Tria, is a well-known cinematographer.

Nag-aaral pa si Nio sa Ateneo de Manila University. Pangako raw kasi ni Nio sa kanyang Mama Cherry na magtatapos siya ng college, no matter what.

BILLY CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with