^
Derek, seryoso na sa magi­ging pamilya nila ni Ellen
Derek at Ellen

Derek, seryoso na sa magi­ging pamilya nila ni Ellen

Gorgy Rula (Pang-masa) - March 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Seryoso na si Derek Ramsay sa kanyang balak na bumuo ng pamilya sa mga susunod na taon.

Sa totoo lang, kahit ngayon pa ay puwedeng-puwede na talaga na dapat naman.

Sinabi niya uli nang makapanayam namin sa radio program namin sa DZRH na pagkatapos ng kontrata niya sa GMA 7 ay hindi na raw muna siya magti-TV.

Okay na raw sa kanya isa o dalawang movies a year. “Gusto ko na mag-umpisa ng pamilya, gusto ko na pasukin ‘yung next chapter. Alam n’yo naman na hindi ko kayang gawin ‘yun kung wala ako sa showbiz. Iyon ang ipa-prioritize ko. I really want to start a family and move in to the next chapter in my life,” saad ng Kapuso actor.

Isa at kalahating taon ay matatapos na ang kontrata niya sa GMA 7 at hindi naman natin alam kung aalukin siya ng renewal. Pero tila seryoso na nga ang aktor na mag-lie low na siya sa pag-aartista pagkatapos nito.

Hindi lang niya masabi kung si Ellen Adarna na ba ang tinutukoy niyang makakasama sa pagbuo ng pamilya. Pero sa ngayon ay masaya raw silang dalawa. Walang pressure ang relasyon dahil walang conflict at chill lang sila.

Hindi nga maipaliwanag ni Derek kung bakit biglang nabuo ang magandang relasyon nila ni Ellen, kahit wala sa plano niyang pumasok agad sa panibagong relasyon. “We’re both proud na we’re in a relationship, it’s something na dapat... may two-year rule ako na hindi dapat muna papasok sa relationship eh. Mag-focus muna ako sa work. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari dito, na-blindside ako.

“Everything happened so fast but alam mo naman ako na pinag-pray ko ‘yan, pinag-isipan ko ‘yan. Na-overwhelm ako sa nararamdaman ko, siya rin. We decided na it’s really worth being in a relationship and being committed to one another,” saad pa ng Kapuso actor. 

Ang kaibahan pa nito, hindi na nga sila dumaan sa ligawan. Basta na lang nagkaroon ng spark at nagkagustuhan silang dalawa. “Kami ni Ellen, sobrang relaxed, comfortable lang kami… wala ngang ligawan eh. Nag-away na kami, nag-ano na kami, nagbati, nagpakita ng tunay na kulay.

“Kung kaya mong tanggapin at nag-commit ka na alam mong ganun siya at ganito ako, eh ‘di hindi na kayo papasok sa isang sitwasyon na binabago mo na ‘yung tao, kasi alam mo nang ganun siya eh,” dagdag niyang pahayag.

Pagkatapos ng Holy week ay maaaring sisimulan na ni Derek ang bagong drama series niya sa GMA 7.

Makakasama niya rito sina Carla Abellana at Max Collins, at kakaibang role daw itong gagampanan niya.

Maaaring marami raw mga kalalakihan ang maka-relate rito.

Since nasa isang bakuran lang sila ni Andrea Torres, hindi maiwasang magkita sila at wala naman daw itong problema sa kanya. “Wala akong problema. ‘Pag nakita ko si Andrea sa GMA, hindi ako ‘yung tipong iikot at tatakbo. Babati ako. May respeto ako sa kanya, naging parte siya ng buhay ko. Hindi ako bastos.

“I will approach and say hi, that’s the right thing to do. If she’s off, siyempre hindi ko na itutulak na makipagtsikahan kasi siyempre irespeto mo naman ‘yung space ng tao. Pero as man, you should acknowledge her, you should say hello, you should say hi, ‘di ba?” seryosong pahayag ng aktor.

Wala rin daw problema sa kanyang magsama sila uli ni Andrea sa isang proyekto.

Anak ni Waray… parang istorya sa KMJS

Naaliw ako sa setup sa bahay namin pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7. Hindi sila makagawa sa gawaing bahay ang kasambahay namin dahil nakatutok na ito sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Ngayong linggo na ang finale nito at painit nang painit ang kuwento dahil dadaan na sa DNA test sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez) kung sino talaga ang tunay nilang ina.

Nagkaroon nga ng baby-switching kaya magkakaalaman kung si Dina Bonnevie nga ba ang tunay na ina rito ni Barbie at si Snooky Serna naman kay Kate.

Parang kuwento nga sa Kapuso Mo Jessica Soho na ilang linggo ring sinubaybayan ng mga manonood.

Kaya naging interesting na ang kuwento at malalaman na rin kung sino na ba ang makakatuluyan ni Kokoy (Migo Adecer), sina Ginalyn ba o si Caitlyn.

Sa totoo lang, ang laki nang nagawa nitong Anak ni Waray ni Biday Vs. Anak ni Biday sa nabuong loveteam nina Migo at Kate.

Inaasahang masusundan pa ito ng iba pang project para lalong magkaroon ng init ang kanilang loveteam.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with