^
Gerald at Julia, lagi na sa resort!
Gerald at Julia

Gerald at Julia, lagi na sa resort!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 8, 2021 - 12:00am

May balitang magkasama sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa resort ni Gerald sa Botolan, Zambales sa 32nd birthday kahapon ng aktor. Kaya lang, pinagdudahan ang lumabas na litrato ng dalawa na magka-holding hands na naglalakad sa beach front.

Ang sabi ng fans, old photo nina Gerald at Julia ang lumabas dahil mahaba pa ang buhok ni Julia at isa pa, hindi raw ‘yun ang beach front ng Hayati Private Resort ni Gerald. May kumontra naman dahil mahaba na raw ang hair ni Julia ngayon at baka sa ibang part lang ng beach sa Botolan sila naglakad-lakad.

Pansin namin, malayo ang kuha sa larawan at nasa likod nina Gerald at Julia ang kumuha ng litrato. May mga ibang tao sa beach, pero dahil umamin na si Gerald, wala nang rason para sila’y magtago.

Isa pang napansin namin, pati friends ni Gerald na nagko-comment sa Instagram ng aktor, galit din ang netizens. Sa friends ni Gerald ipinaabot ng netizens ang galit nila sa aktor na para bang maaapektuhan pa si Gerald.

May nabanggit kasi itong, “I’ve come to terms with it na (bashers), kahit gaano karami akong trabaho, kahit gaano karaming naniniwala, meron ding hindi maniniwala. Whatever I say now sa interview na to will not magically change my bashers or haters.”

Coney, nauhugan ni Mikael

Aliw ang kuwento ni Coney Reyes na may eksena sila ni Mikael Daez sa Love of My Life na natuluan siya ng uhog ng aktor. “Nauhugan ako, pero itinuloy pa rin namin ang eksena,” sabi ni Coney at natatawang muling nag-sorry si Mikael.

Ganoon ka-intense ang mga eksena sa primetime series ng GMA 7 na ikinalulungkot ng viewers ang nalalapit na pagwawakas. Actually, mula ngayong Lunes, nine days na lang itong mapapanood at sa March 19, malalaman na ng viewers kung sino ang magiging end game ni Nikolai (Mikael) kina Adelle (Carla Abellana) at Kelly (Rhian Ramos).

Dagdag ni Coney, nagte-text sa kanya ang mga kaibigan na gustong malaman ang ending ng series, bagay na hindi niya sinasabi. Blessing sa kanya na nakasama siya sa cast ng LOML dahil ayaw na sana niyang gumawa ng heavy drama. Mabuti na lang at nagbago ang kanyang desisyon.

Samantala, natanong si Coney sa anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto.

“I’m very proud of my son, he’s been doing good. Natutuwa ako na na-recognize siya in his effort to curb corruption in the government. Gusto niya maging aware ang tao sa corruption and help the government to eradicate corruption. Sobrang proud at happy ako at sana maging inspirasyon siya sa ibang leaders at younger politicians na ‘wag matakot and to have a stand.”

Yasser at Alex, binabantayan ng MTRCB

May BL o Boys’ Love series na rin yata ang GMA Network, pero sa GTV ang airing. Ang tinutukoy namin ay ang episode sa My Fantastic Pag-ibig na Fairy Tail Romance na tatampukan nina Yasser Marta at Alex Diaz.

May nakita kaming BTS nina Yasser at Alex at sa suot na costume, sireno ang role ni Alex. May nag-comment na lilipat lang pala si Alex sa GMA 7, sireno pa ang role. Talent kasi siya ng ABS-CBN na freelancer yata, kaya puwedeng tumawid sa Kapuso Network.

May nag-comment pa na mas matapang ang GTV kesa GMA 7 dahil nauna na silang magkaroon ng BL series na nauuso ngayon. Kasama sa cast sina Jo Berry at sa direction ni Adolf Alix Jr.

Nakakatawa lang dahil hindi pa man airing ang My Fairy Tail Romance, may nag-comment na nakabantay ang MTRCB. Hahaha!

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with