^

Joshua, nagpaliwanag, Bea tameme pa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - March 7, 2021 - 12:00am

IKINOREK agad-agad ni Joshua Garcia ang isang Facebook post na kino-congratulate niya sina Gerald Anderson and Julia Barretto. “FYI po, this one is not mine and I don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you,” ang IG story ni Joshua.

Nakalagay kasi ang photo nina Gerald and Julia na ex ni Joshua na “Congratulations Gerald Anderson and Julia Barretto” with matching heart emoticon.

May nauna na ring post ang nasabing account na “Maging masaya tayo sa ikaliligaya ng iba…” habang puno ng pagkain ang bibig supposedly ni Joshua.

Sari-sari ang analysis ng followers ng aktor sa nasabing disclaimer niya.

Baka raw may tama pa kay Joshua lalo na nga at bago ang nasabing statement ni Gerald habang pino-promote ang bago niyang endorsement ay nag-viral ang music video nina Joshua at Julia para sa kanta ni Moira na Paubaya kaya sinasabing gagawan sila ng movie with the same title.

Though comment naman ng iba, ayaw lang makaladkad ni Joshua ang pangalan niya sa bagong anggulo ng mga social media pasabog nina Julia.

Samantala, wala namang reaction si Bea Alonzo sa kanyang social media accounts.

Ngayong ‘legal’ na raw sina Gerald and Julia, puwede na silang hindi magtago pag lumalabas na magkasama.

May chika na last year pa, na diumano’y lilipat na rin ng management si Gerald, sa Viva na rin diumano ito magpapa-handle, na management team ni Julia.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with