^

Collab ng 2 at 5, magandang senyales

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 7, 2021 - 12:00am

Bongga ang Channel 2 at TV5 ha. Collab sila at apat na programa ng Channel 2 ang mapapanood na sa TV5. Maganda na napapanood mo na ibinabalita sa TV Patrol na iyon ilang shows ng Channel 2 like Probinsiyano, puwede mo na rin mapanood sa TV5.

Puwede naman pala ang collab, kaya dapat walang network war, hayaang lumabas ang mga artista kahit saang network o company, mas lalo pa nga sigurong lalaki at tatatag ang kinalalagyan nila. Kasi nga ang gandang tingnan siguro na kahit saan channel ang paborito mong artista puwede nang mapanood.

Sure ako ang mga star din iyon ang gusto, maka-trabaho iyon mga nasa kabilang bakod, iyon puwedeng tumalon kahit anong oras.

Bongga TV5 at Cignal ha, mga produkto ng Channel 2 lalabas sa kanila. Happy watching sa ating lahat.

Ysabel hasa sa paghawak ng baril

Excited na akong mapanood ang Voltes 5 ng GMA 7. Kasi nga si Ysabel Ortega na isa sa mga napiling bida, talagang gusting-gusto na gawin ang nasabing project. Eh nun pa pala niya favorite ang nasabing palabas kaya dream come true na napasali siya sa local version nito.

Palagay ko kayang-kaya ng stamina ni Ysabel ang role na ibinigay sa kanya kasi payat pero malakas ang katawan niya plus talagang panay ang punta niya sa gym bilang paghahanda nga. Hindi matatakot si Ysabel sa mga action scene dahil alam n’yo na, hindi siya maninibago sa mga na palagay ko ay kinalakhan na niya. Lalo ngayon na isang militar ang kanyang stepfather. Sure ako mahusay humawak ng baril si Ysabel, at ensayado ang katawan sa mga tumbling , hah hah. Excited na ako sa malaking break na ibinigay ng GMA7 sa dalaga na talagang wish na maging artista bata pa lang siya.

YSABEL ORTEGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with