^
Jodi hindi nagparamdam, Iza masayang nasa free TV na uli
Jodi at Iza

Jodi hindi nagparamdam, Iza masayang nasa free TV na uli

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 7, 2021 - 12:00am

Except for the prominent non-appearance ni Jodi Sta. Maria, na ‘di in-explain ng mga host na sina MJ Felipe at Eric John Salut, plus, of course, Aaron Domingo, Media Relation Officer, Kapamil­ya channel, intact na dumating sa virtual presscon ng in two weeks ay magtatapos ng top series, Ang Sa Iyo Ay Akin, ang mga important members of the cast, kabilang sina Iza Calzado, Sam Milby, Joseph Marco, Rita Avila at Maricel Soriano. Plus, Simon Ibarra na main kontrabida ng teleserye.

Kitang-kita naman sa nasabing virtual conference how close na ngayon sina Grae Fernandez at Kira Balinger.

Halos magkasabay dumating ang direktors na sina FM Reyes at Avel Supangco. Pati na ang writers, one of whom is Keiko Aquino.

And, of course, the producer, si Julie Ann Benitez.

Plus several members of the production staff.

Habang nagaganap ang presscon, kumbaga, halos teary-eyed na ang lahat, dahil maghihiwalay na nga raw sila. Kakaibang closeness daw ang namagitan sa kanilang lahat, habang ginawa nila ang series, since dahil nga sa existing pandemic, naka-lock in sila lahat sa isang hotel.

In any case, heto ang pinakamagandang balita tungkol sa series. Mapapanood na ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa TV5.  Free TV, that is.

As Iza said: “Nangangahulugan lang na higit na mas maraming viewers ang makakapanood ng Ang Sa Iyo…”

For the last many months nga naman, sa ilang streaming sites, lang ito ng Kapamilya network napapanood.

Andre gusto pa ring maging ‘professional’

Up to now pala, Salve A., 25-years old Andre Paras ay hopeful na he will be a professional basketball player, tulad ng kanyang amang si Benjie Paras, a two-time PBA (Philippine Basketball Association) MVP (Most Valuable Player).

Nakakatandang kapatid din ni Andre si Kobe Paras of the UP Fighting Maroons.

No need to tell you, of course, na ang mother ni Andre, si Jackie Forster, ay former Regal baby ni Mother Lily.

Matagal nang hiwalay ito at si Benjie. May sari-sarili na silang pamilya.

Sa showbiz naka-focus ngayon si Andre, lalo’t may bagong game show siyang hinu-host, Game of the Gens, with fellow Kapuso, Sef Cadayona.

Yassi ayaw ibuking ang makakasama sa sariling show

Of Sef, naging sila pala ni Yassi Pressman, dating leading lady ni Coco Martin sa top action series na FPJ’s Ang Probinsyano.

In any case, gaano katotoo na nagselos daw si Yassi kay Andrea Torres, na naging GF (girlfriend) din nito, kaya sila naghiwalay noon.

Andrea is the last girlfriend ni Derek Ramsay, bago naging sila ni Ellen Adarna.

May sisimulang bagong show, a game show, actually, si Yassi, titled Rolling In It sa TV5. Magte-taping na siya for the show.

Host siya ng programa. At wala muna siyang balak ibunyag, kung sino-sino pa ang makakasama niya.

As is common knowledge, ang Viva Artists Center (VAC) ang nagha-handle ng career ni Yassi.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with