^
Gerald isinabay ang endorsement ang pag-iingay
Gerald

Gerald isinabay ang endorsement ang pag-iingay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 7, 2021 - 12:00am

Naku, nabuhay muli ang isyu kina Gerald Anderson at Julia Barretto! Pati na ang ghosting ni Gerald sa dating girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa interview ni Boy Abunda kay Gerald, inamin niyang masaya siya with Julia. Deny naman si Gerald na ghinost niya si Bea.

Lumutang bigla ang aktor na meron palang TV commercial ng vitamins. Eh kung wala, magsasalita pa rin kaya siya sa pinagpistahang isyu?

Naku, ang mga artistang sangkot sa malaking kontrobersiya, tatahimik sa simula pero kapag meron nang pinu-promote eh malayang nagsasalita sa isyu, huh!

Hindi na bago sa showbiz ang style na ganyan, ‘no?

Salpukan umpisa na naman…

Nakahanda ang GMA Network sa mga bagong kaganapan sa telebisyon simula sa Lunes.

Pasabog ang pagtatapos ng on-going series ng Kapuso network sa magkasunod na linggo.

Unang magtatapos ang Anak ni Waray versus Anak ni Biday. Magkakalalaman na kung sino ang talagang nanay ni Ginalyn na ginagampanan ni Barbie Forteza.

Kasunod na magtatapos ang maigting na family drama na Love of My Life. Matinding pasabog sa huling linggo nito ang tututukan ng viewers.

Sa March 15 naman ang simula ng bagong series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Wala nang hahanapin pa kaya hindi na kailangang mag-switch ng channel, huh!

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with