^
Derek, hindi makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Ellen
Ellen

Derek, hindi makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Ellen

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

Talaga siguro ‘yung love strikes you sa oras na hindi mo akalain, o sa isang tao na hindi mo inaasahan.

Sabi nga ni Derek Ramsay, aware naman siya na merong isang Ellen Adarna, nakikita naman niya on some occasions, pero hindi niya akalain na magiging ‘the one’ for him. Basta na-feel niya na complete siya, masaya siya, walang hang-ups, go forward lang ang feeling.

This time ginamit daw niya ang puso, hindi siya nag-isip. Hindi tulad ng dati na tinatanong niya lagi ang utak kung tama ba ang ginagawa niya, this time, sinunod niya lang ‘yung gusto ng puso niya. Walang tanong-tanong, walang hesitation. Basta complete lang ang fee­ling niya sa buhay niya ngayon, walang kulang.

Intense ang love nila ni Ellen. Pareho silang parang happy go lucky pero malalim.

Siguro nga, mentally, emotionally, swak sila, and they look good together. Kung magtatagal ito, at maging forever, one for the book ang kanilang love affair.

Talagang naging mapaglaro ang tadhana, bumpy roads muna bago naayos. Hoping and praying, sana nga heto na, isa nang pag-ibig na tatagal at magiging example ng paglalaro ng buhay bago mo matagpuan ang ligaya na hinahanap mo.

Mga kabataang nangangarap mag-artista, dumarami pa

Hindi ko akalain na talaga palang ang dami pa ring kabataan na gustong mag-artista sa panahon ngayon. Nakita ko ‘yung mga discovery ni Bambbi Fuentes sa kanyang salon kahapon at na-impress naman ako dahil mga may hitsura at mukhang passionate sa kanilang dream of stardom.

Lahat nasa magandang school, mukhang galing sa magandang pamilya, makikinis at mga bata pa.

Mabuti naman at tinutulungan ni Bambbi na meron din namang connection  sa top guns ng mga production kaya puwedeng magbigay ng break sa mga nais pumasok sa showbiz.

Mabuti nga at meron ding passion si Bambbi sa pagtulong sa mga baguhan tulad ng mga batang ito dahil iyon naman talaga ang kailangang unang step sa dream mo, isang tao na tutulong magbukas ng pintuan para sa iyo.

They will be in good hands, dahil magandang mag-alaga si Bambbi at hindi sila pagsasamantalahan.

For these kids na nangangarap maabot ang stardom, good luck, at sana nga one day, mabasa ko ang mga pangalan n’yo sa billing ng pelikula at teleserye.

To Bambbi, continue helping them, blessing ang pagtulong na maabot ng isang tao ang kanyang pangarap.

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with