^
Rabiya, walang urungan ang pagsabak sa Miss U
Rabiya

Rabiya, walang urungan ang pagsabak sa Miss U

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

Tuloy na tuloy na ang pagsabak ni Rabiya Mateo sa 69th edition ng Miss Universe pageant.

Ito ang inanunsyo ng Miss Universe Organization sa social media account nito.  Gagawin ang pageant sa May 16, 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Florida.

Todo training na si Rabiya na representative ng bansa sa prestigious beauty contest.

Coney, inaming nahirapan sa LOML

Tatlong bagay ang hindi kailangang gawin ng mga anak ni Coney Reyes para hindi mapagalitan.

“Hurting, disobedience, lie. I will reprimand them kahit isa lang ang sinuway nila sa gusto ko,” bulalas ni Coney sa virtual mediacon ng Kapuso series niyang Love of My Life.

Kinaiinggitan ngayon si Coney dahil sa anak na si Vico Sotto, Pasig City mayor, dahil sa magagandang ginagawa niya sa siyudad na nasasakupan niya.

Pinalaki nang mabuti at maayos ni Coney ang mga anak kaya naman sa character niya sa Love of My Life, inang-ina ang dating niya sa co-stars niya.

“Naku, dahil kina Carla (Abellana), Rhian (Ramos), Mikael (Daez) at Tom (Rodriguez), nagkaroon ako ng mga kabataang fans!

“They send good words to me at laging inaabangan ang character ko sa series. Happy ako sa new set of fans ko,” rason niya.

Eh sa dami ng characters na nagawa niya, ano ang masasabi niya sa character niya sa LOML? “Mahirap pero masaya!” deklara ni Coney.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with