^
Derek, umaming wala silang closure ni Andrea
Derek at Andrea

Derek, umaming wala silang closure ni Andrea

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

May interview na naman pala kay Derek Ramsay at ito ay sa YouTube channel ni Pops Fernandez at parang na-focus sa breakup nila ni Andrea Torres ang interview. Derek Tells All ang title ng interview kay Derek at kulang na lang, sabihin ang rason ng kanilang breakup.

Tanong tuloy ng netizens, wala bang ibang sasabihin si Derek sa mga interview sa kanya kundi puro tungkol sa kanyang love life? Sana raw, ‘wag nang isali si Andrea sa mga interview sa kanya, lalo’t nananahimik ang Kapuso actress.

Sabi ni Derek, “the breakup was very sudden. The breakup happened. It came out of nowhere. It blindsided me.” Mutual decision daw nilang dalawa ang paghihiwalay, pero sa mga pahayag niya, siya ang nakipag-break kay Andrea.

Sa tanong ni Pops kung may closure ang breakup nila, “I think that will come with time. Definitely no hate, no regret.” Patuloy ni Derek, “there is no hate towards one another. I don’t think she hates me. I definitely don’t hate her. I’m her family. We were together for over a year.”

Ayon pa kay Derek, hindi niya in-unfriend si Andrea (sa Instagram siguro), kaya nakikita at nababasa niya ang posts nito. “I never unfriended Andrea. There’s no hate siguro towards each other. You can see that she’s back into work, she looks great, she’s been working out.”

 Sa nakikita kay Andrea, ibig daw sabihin, masaya ito at pareho silang masaya.

“Super in love” ang status ni Derek sa ngayon, super in love siya kay Ellen Adarna. “She makes me feel happy about who I am. And the old Derek is back, and my closest friends said that to me. They’re the ones who said to me, ‘Dude, you’re back.”

Underage nina Dina, Snooky at Maricel bubuhayin din ng Kapuso

Kabilang ang TV adaptation ng Regal Entertainment movie na Underage sa shows na naka-line up na gagawin this year ng GMA 7. May suhestiyon ang viewers kung sinong Kapuso stars ang gusto nilang mapanood na gaganap sa mga karakter na unang ginampanan nina Dina Bonnevie, Snooky Serna at Maricel Soriano.

May gustong ang Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan ang gawing bida sa Underage, bagay daw ang tatlo dahil magkakapatid din ang role nila sa Prima Donnas. May kumontra dahil parang bata pa raw ang tatlo, lalo’t may eksenang magsusuot sila ng swimsuit.

May nag-suggest ng mga pangalan nina Mikee Quintos, Kate Valdez at Bianca Umali, kaya lang, nasa 20s na ang edad ng tatlo. May naniniwala namang mas bagay kung ibibigay ang project sa newcomers.

Nagkaroon ng spin-off ang Underage nina Dina, Snooky, at Maricel, ang Underage Too na bida sina Carmina Villarroel, Ruffa Gutierrez at Aiko Melendez. Noong 2009, ginawan ng ABS-CBN ng adaptation na tinampukan nina Empress Schuck, Melissa Ricks at Lauren Young.

Sino nga kaya sa Kapuso stars ang mapipiling magbida?

Mikael, isang take lang ang mahahabang linyahan

Naaliw kami sa Zoom interview kay Mikael Daez para sa promo ng Love Of My Life na last two weeks na lang at matatapos na. Habang nagsasalita, maririnig na may naghihilik sa background. Akala namin si Megan Young ang naghihilik, ‘yun pala ang pet dog nilang si Soba. Ang lakas humilik ni doggie, hahaha!

Anyway, lumabas ang pagka-aktor ni Mikael sa LOML and as Nikolai  napapanood ng viewers kung gaano siya kahusay. Ang hahaba ng linyahan nila ni Coney Reyes, pero nagagawa niya at ‘yung mahabang eksena ay take one lang pala.

Pinuri si Mikael, Rhian Ramos at Carla Abellana ni Coney dahil serious sa work nila, nagre-report sa taping nang handa, pinag-aaralan ang script, professional at open sa pakikipag-interact.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with