^
Lovely at Benj, nagpakasal para magkaanak agad
Lovely at Benj

Lovely at Benj, nagpakasal para magkaanak agad

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

Pinagdarasal ni Lovely Abella na magkaroon na sila agad ng baby ng mister niyang si Benj Manalo.

Kinasal lang sila noong nakaraang January at isa sa dahilan kung bakit nagpakasal na sila ay para makabuo na sila ng baby sa taong ito. “As in, sana Lord, now na. Agad-agad! Kasi talagang nagta-try na kami magka-baby before, itong mga pa-December. Pero sabi namin baka ayaw pa ni Lord kasi wala pang basbas that time.

“Kaya nag-decide kaming mabilisan po ‘yong wedding namin kasi parang gusto na talaga namin magkaanak. So we’re praying, hoping na soon talaga,” sey ni Lovely.

Iba raw ang feeling na may basbas ng simbahan ang pagsasama nila ni Benj. Marami raw ang naging magandang pagbabago sa buhay nila. “Malaki ang pinagbago kahit na dati nagsasama na kami for six years. Totoo pala ‘yon, ‘no? After mong ikasal parang in love na in love ka sa kanya. Alam mo ‘yon? Iba talaga ‘yong kilig ko sa kanya. Iba ‘yong in love ko sa kanya.”

Wala na raw sa option nila ang hiwalayan. “Kahit na before pa lang na bago kami mag-decide na magpakasal, talagang pinag-usapan namin na magiging ganito na, wala na talagang hiwalayan. So bago talaga kami nagpakasal, ‘yon ‘yong inunawa namin sa isa’t isa na kailangan namin intindihan ‘yong init ng ulo ko minsan.”

Isabel at Nadine, ideal ang relasyon

Ang ganda ng relasyon ng veteran actress na si Isabel Rivas sa kanyang daughter-in-law na si Nadine Samonte na nag-celebrate ng 33rd birthday noong March 2.

Sa kanyang Facebook, nag-post ang kontrabida ng GMA teleserye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit ng throwback photo nila ni Nadine noong una silang nagkakilala sa 2013 teleserye ng TV5 na Kidlat.

Hindi raw inakala ni Isabel na si Nadine pala ang matagal na niyang pinagdarasal na magiging misis ng kanyang anak na si Richard Chua. Ngayon ay may dalawang apo na si Isabel na sina Heather at Titus.

Nagpasalamat naman si Nadine sa kanyang biyenan.

“I just can’t imagine while looking at this picture. God really works in mysterious ways. Mami we are family and love will always be there. It’s just getting more and deeper. We are blessed to have each other. Love you wowa, thank you for everything.”

Reunion ng Friends, kasado na

Tuloy na ang reunion ng cast of Friends na ipapalabas sa HBO Max, ayon sa aktor na si David Schwimmer na gumanap sa series as Ross Geller.

Sey ng 54-year old actor sa radio show ni Andy Cohen sa SiriusXM: “Oh, it’s happening. Actually, in a little over a month, I’m heading out to LA. So, finally, I mean, we figured out a way to film it safely, and there’s going to be a portion of it that we film outside because of, you know, for safety protocols.”

Noong May 2020 pa raw sana nag-shoot ng reu­nion show sina David, Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc and Matthew Perry, pero biglang nagkaroon ng outbreak ang COVID-19 kaya na-delay ang lahat.

Umere ang Friends sa NBC network for 10 years (1994 to 2004) at tinanghal ito as one of the best television sitcoms of all time.

BENJ MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with