^

Pang Movies

Alden, uunahin ang serye bago si Bea

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, uunahin ang serye bago si Bea
Alden

Malamang mauna pang magsimula ng taping si Alden Richards ng bago niyang teleserye sa GMA Network, kaysa sa shooting nila ni Bea Alonzo ng Philippine adaptation ng Korean movie na A Moment To Remember. Hindi raw nagmamadali ang tatlong producers, ang Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment, dahil gusto nilang hintayin ang pagbubukas ng cinemas, ang said movie raw kasi ay kailangan sa mga sinehan ipalabas. Sa ngayon kasi ay ayaw pang pumayag ng mga theater owner na magbukas ng sinehan, gusto nilang masiguro muna na ligtas na sa COVID-19 ang mga manonood.

Tinatapos na ng writers ng GMA Network ang script ng teleserye ni Alden at paghahanda para sa pagsisimula ng lock-in taping nila by the second week of April.

Balitang may isu-shoot pang bagong TV commercial sina Alden at Bea ng kanilang endorsement.

Gabby, nakasundo lahat sa Yaya…

Nagagamit ngayon ni Kapuso actor Gabby Concepcion ang kaalaman niya sa pagluluto, na natutunan niya nang matagal siyang namalagi sa kanyang vacation house sa pagsisimula pa lamang ng pandemic, sa Batangas. Kaya naman natuwa ang mga kasama niya sa cast ng bago niyang romantic-comedy series na First Yaya, nang mag-lock-in taping sila sa La Union, Pangasinan.

Naging solid ang samahan ng buong cast ng serye, at isa nga sa gusto nila kay Gabby, “mahilig siyang magluto, lagi niya kaming tatanungin, ano ang gusto naming kainin, tapos magluluto na siya. Masarap siyang magluto, mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin.”  In return, sabi naman ni Gabby, “nakakatuwang walang member ng cast na hindi ko kasundo, walang negative sa set namin, okay lahat.  Isa rito si Sanya (Lopez) hindi kami nahirapang mag-adjust sa isa’t isa kahit first time lamang naming magkatrabaho. Mapagmahal siya sa kapwa, madali siyang barkadahin.”

Sa March 15 na mapapanood ang world premiere ng First Yaya sa GMA.

David, bilib sa mood ni Julie

Inip na ang fans at supporters ng bagong magka-love team na sina Julie Anne San Jose at David Licauco ng upcoming GTV series na Heartful Cafe, kaso next month pa pala, sa April pa ang simula nito. Feel daw ng fans na papatok ang team-up nila kaya tuwing may socmed post tungkol sa kanila, lalo na iyong behind-the-scenes, napupuno ito ng magagandang comments at excited na raw silang mapanood sa kanilang TV screen ang JulVid. May chemistry raw ang dalawa at hindi ito maikakaila kahit sa photos pa lamang nila.

“She’s very nice, as we all know maganda naman talaga si Julie, and she’s very talented,” sabi ni David. “At ang pinakahinahangaan ko sa kanya eh iyong mood niya, from 8:00 a.m. ganoon pa rin siya hanggang sa last scene, ‘di ko siya nakita ever na sumimangot.”

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with