^
Pokwang, umalma sa âbakasyonâ ni Roque
Pokwang

Pokwang, umalma sa ‘bakasyon’ ni Roque

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

Hindi nagustuhan ni Pokwang ang terminong “nakabakasyon” tayo sa recent statement ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaya naman talagang inalmahan niya ito.

Nasabi ito ni Roque kamakailan bilang paliwanag kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa ating holidays. Na ang Nov. 2, Dec. 24 at Dec. 31 na dating special holidays ay special working holidays na.

Ayon kay Spokesperson Roque, ito raw ay para makabawi ang ating ekonomiya dahil matagal na tayong nakabakasyon. “’Yan po ay dahil sa advice ng economic team, napakatagal na po nating nakabakasyon. Halos isang taon na tayo nagbakasyon dahil sa COVID-19,” he said.

Sa kanyang tweet ay kinontra ni Pokie ang pahayag ni Roque.

“Hindi po bakasyon ang tawag don sir! be sensitive naman po! bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi2 kasi wala kana trabaho? pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? bakasyon po ba yung need mo isara negosyo mo kasi may pandemia? kung ganyan ang bakasyo(n) edi ayoko na mag bakasyon,” ang tweet ni Pokwang.

Marami namang umayon sa komedyana at may nagkomento ring netizen nagsara ang kanyang negosyo kaya paano raw masasabing bakasyon ‘yun.

Solenn, nanghingi ng tawad sa ‘poverty porn’

Nag-sorry si Solenn Heussaff matapos punahin ng netizens ang inilabas niyang larawan promoting her 3rd art exhibit called Kundiman.

Akusasyon ng ilang netizens, ginagamit daw ni Solenn ang kahirapan ng ating mga kababayan para lang mai-promote ang kanyang event.

Sa larawan ay makikita ang aktres in sexy wear na madungis at sa likod niya ay painting ng isang tila forest or woods. Makikita rin sa background niya ang isang slum area kung saan kinunan ang larawan.

Ayon sa caption ni Solenn, “this exhibit expresses my love, appreciation, and hope for our country and our people.”

Komento ng isang netizen, “Poverty porn? Is this how u sell ur arts, Miss Solenn?”

Ayon naman sa isa pa, “You’re a great artist but this photo was done in poor taste. Using poverty to promote your art is very insensitive. Rich people and their poverty porn.”

Kahapon ay naglabas si Solenn ng kanyang paliwanag hinggil sa ipinost na larawan na binura na niya.

“I’ve been thinking a lot about the comments you guys left on the photo I posted. I know it sparked some debate and there were both good and bad takes on it. While I appreciate the encouragement some shared, I also want to apologize to those I have hurt.

“Wanted to shoot it in a typical street, those we drive by everyday. Streets full of life, since all my paintings are about the people we see. Not the rich or the poor but people for who they are. Humanity.

“The choice of painting was to show the environmental side. The abundance and balance of what life was, but also growth and hope. Though yes, art is subjective, and your thoughts made me more sensitive to different perspectives on my choice of setting (it wasnt a terrible marketing team, it was me, no one else to blame) and this really was a learning experience for me.

“It wasn’t my intention to hurt or offend anyone. It was my hope that I could lend my voice and my art to show the reality of Filipinos. This is the heart and inspiration of all my paintings, both old and new. I did not want to romanticize the poverty of the everyday Pinoy or the resiliency that we naturally have. I really hoped to honor our people by being truthful about the kind of life a lot of Filipinos live today and to show that Filipinos deserve better.

“Thank you for letting this be an eye-opener for me as well. And to those that I have offended, I am sorry,” ang mahabang pahayag ni Solenn.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with