^

Pang Movies

Kris, nagsalita sa date kay Mark

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris, nagsalita sa date kay Mark
Kris

Kahapon, ay bumalik na sa Instagram ni Kris Aquino na two days nag-deactivate. Pero, sa Facebook, parang may post pa si Kris tungkol sa 90 winners na binigyan niya ng P5,000 each. Nag-sorry si Kris kung na-delay man ang pagpapadala ng pera sa mga winner.

At sa 5,000 each, umabot sa P450K ang naipamigay na pera ni Kris sa lucky winners.

May nabasa pala kaming paglilinaw ni Kris sa nasulat na date nila ni Mark Leviste. Wala raw date na nangyari dahil sila ng designer na si Michael Leyva at nurse niya ang kasama niyang nag-dinner. Napadaan daw si Mark sa restaurant kung saan sila kumain at inakalang sila ang nag-date. Sila ni Michael daw ang nag-agawang magbayad ng bill.

Sabi ni Kris, “Vice Gov is a friend & he has been thoughtful & kind to me & my staff. BUT we have never gone out on a date,” paglilinaw ni Kris.

Coney, nagpakita na nakangiti

Napanood namin ang TikTok ni Coney Reyes at Samantha Lopez na ginawa nila sa lock-in taping ng GMA 7 primetime series na Love of My Life. Nakakatuwa si Coney na sumabay sa moves ni Samantha and for once, nakangiti si Madam Isabella. Sa teleserye kasi, lagi siyang seryoso at madalas pang galit, pero sa TikTok, ibang Coney ang makikita.

Samantala, last two weeks na lang ng Love of My Life na tinututukan ng viewers dahil maganda ang pagkalatag ng story, mahusay ang direction ni Don Michael Perez at mahuhusay ang buong cast, pati ang supporting cast.

Sa interview sa kanya, pinupuri ni Coney sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, pati si Tom Rodriquez na namatay na ang character sa story. Masuwerte raw siya to be working with the rest of the cast na magaganda na, magagaling pa.

AlDub fans, may banta sa Daddy’s Gurl dahil kay Arjo

Bukas na mapapanood ang guesting ni Arjo Atayde sa Daddy’s Gurl na birthday gift daw niya sa GF. Hintayin nga natin kung totohanin ng ilang AlDub fans na i-boycott ang Daddy’s Gurl dahil sa paggi-guest ni Arjo.

And speaking of Arjo, binigyan nito ng surprise birthday party si Maine sa rest house nila sa Batangas. Kasama ni Maine ang ilang members ng kanyang pamilya sa Batangas at may photo na nakasakay sila sa yacht ba ‘yun o boat na sabi ng fans nina Maine at Arjo, pagmamay-ari ni Arjo.

Kaya suwerte raw si Maine kay Arjo dahil mabait, guwapo at mayaman. Mali raw ang sinasabi ng bashers na walang pera si Arjo dahil mayaman ito at hindi kailangan ng pera ni Maine.

Dingdong at Marian, inaabangan ang comeback sitcom

Ang daming upcoming shows ng GMA 7 at maganda ito sa Kapuso stars dahil may trabaho sila na aasahan. Kailangan lang nilang magsipag na mag-audition para sila makuha.

Isa sa aabangang show at ang GMA inspire Zoom-serye na Quarantitas at sa title pa lang, hindi young actresses ang mga gaganap. Gagawin din ng GMA 7 ang Filipino adaptation ng 100 Arabian Nights at ang title ay Isang Libo’t Isang Gabi.

Itutuloy pa rin daw ang Sanggang Dikit na dapat gagawin nina Derek Ramsay at Andrea Torres na dahil hindi na sila puwedeng magtambal, ibang pareha na ang magbibida.

May sitcom sa line-up, isa na kaya rito ang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera? Nabanggit kasi ni Marian na may gagawin silang sitcom ni Dingdong na magsisilbing comeback ng tambalan nila.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with