^

Pagbiyahe sa abroad, kinasasabikan na

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 4, 2021 - 12:00am

‘Yung mga experience natin sa travels talagang kung minsan ‘pag naalala mo, nakakaloka. One way ng pagiging very close ang bonding ‘pag nagkakasama kayo mag-travel usually, dahil ‘yung totoong ikaw ang lalabas ‘pag medyo matagal na kayong magkasama. ‘Yung mga ugali n’yo ‘pag kumain, ‘pag natulog, lahat ng pretensions mo lalabas after a month together abroad kasi nga bagong environment, wala kang defenses.

Merong masarap kasama sa travel, merong mabigat, maarte at mabagal.

Suwerte naman ako na kadalasan type ko ang mga kasama ko sa biyahe, nagiging closer naman kami lalo na after ng pag-a-abroad. ‘Yung mga kagagahang ginagawa mo, kadalasan dahil nga comfortable ka na sa mga kasama mo, hindi ka na nahihiya, gumagawa ka ng ilang naughty things, na ‘pag naalala mo now, tatawanan mo na lang.

Kalokah talaga.

Now na mahirap magbiyahe, you miss travelling at lalo mong nami-miss ‘yung camaraderie n’yo during travels. Hay naku, promise, Salve, Rose at Vinia, kasama sina Lynette at Gorgy, go tayo Korea agad-agad after ng travel ban, puntahan natin ang mga na-miss nating oppas at unnis noh, promise! 

Mga Korean star, pinauso ang no-makeup look

Sa pagba-browse ko sa phone ko, nakikita ko ‘yung posting ng Korean stars ng baby / teen photos nila. So far, doon sa mga nakita ko na picture noong bata pa sila at ngayon ay para namang walang cosmetic surgery na ginawa.

Like si Lee Jung-hyuk o si Lee Min-ho akala ko noong una nagpa-nose job dahil sobrang tulis ng mga ilong, pero kahit noong bata pa sila, ganun pala ang mga nose nila. Sina Bae Suzy at Song Hye-kyo parang tumanda lang, pero ‘yung features same pa rin. Kasi nga siguro dahil marami ang open sa ginawang cosmetic surgery sa kanila, halos lahat iniisip na nila na inayos ang mga mukha. O sa sobrang kinis at alaga nila sa kutis nila, parang hindi na original tuloy.

Baka lang talagang grabe ang disiplina nila kaya lagi silang looking good. Meron nga sa kanila gaya ni Lee Jong Soo na talagang hindi pogi at mahusay lang umarte, Koreanong-Koreano ang dating, o ‘yung artista sa Flower of Evil at Scarlet Heart na parang ang payat at sobra singkit, wala namang ganun ka-good looking pero ang daming ginawang serye at sikat na sikat.

Iyon namang enhancement hindi masama lalo at makakatulong, pero palagay ko, ang unang naging way nila para makapasok sa stardom ay ‘yung talent nila, lalo pa nga at sila yata ang talagang tagumpay sa no-makeup look, talagang akala mo hindi naglagay ng kahit pulbos sa mukha pagharap sa kamera. O baka naman, sobra na lang jealous ang lahat dahil parang basta Korean ngayon, pretty ang tingin agad. Hah hah, parang noong panahon na basta Ms. Venezuela, sure winner sa beauty contest, lakas ng dating ng PR management nila ha, na-culture shock nila ang lahat, mula serye, movies, food, at ngayon pati standard of beauty. Bongga! 

KOREAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with