^
Mga nagnakaw sa bahay ni Xian, hindi na nakilala!
Xian

Mga nagnakaw sa bahay ni Xian, hindi na nakilala!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 4, 2021 - 12:00am

Hindi pa rin nakakalimutan ni Xian Lim ang traumatic experience nang pasukin ang kanyang bahay ng mga magnanakaw noong nakaraang Enero.

Sadly, hindi na nga na-solve pa ang kaso at hindi na nalaman pa kung sino ang may kagagawan.

“Ganu’n ‘yung proseso, I guess you just file na ganito ‘yung nangyari, ganu’n na lang. Wala, eh. You can’t take it further na parang ano bang next steps, wala na. Parang magpapagod ka ba para hanapin ‘yung mga tao na medyo mahirap na hanapin? So ‘yun. I think it’s a matter of not letting it happen again on my part,” pahayag ni Xi sa Zoom presscon para sa kanyang upcoming game show on TV5 na 1000 Heartbeats-Pintig Pinoy last Tuesday.

May mga nagsasabi nga rin na dahil daw sa house tour niya sa YouTube kaya napagplanuhan ang kanyang bahay pero para kay Xian, ang mali ay mali. Mali ang magnakaw at hindi dapat isisi sa biktima kung nanakawan ito. “Hindi puwedeng mabaling ang kasalanan doon sa victim, eh. ‘Di ba? Ang puno’t dulo niyan is hindi tamang magnakaw. So, I think vloggers are gonna do what vloggers have to do. So, hindi siya mali para sa akin. I don’t think dapat mag-hold back ang isang creative na tao kung gusto nilang ipakita ‘yung bahay nila,” he said.

At dahil nga 1000 Heartbeats ang titulo ng game show ni Xian, natanong din ang aktor kung malakas pa rin ba ang pintig ng puso niya para sa girlfriend na si Kim Chiu since medyo matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon. “Oo naman. Syempre. Lagi ko ngang sinasabi na sa isang relationship, dapat every single day, you work on it. Bawal makapante sa isang relationship,” aniya.

Samantala, first time na magho-host ni Xian ng isang game show at aminado siyang kabado siya and yet very thankful dahil sa kanya ipinagkatiwala ang nasabing franchise show mula sa United Kingdom.

XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with