^

Aktor na pinagkakaguluhan ng sosyal at foreigners, hindi naglalaro ng babae

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 4, 2021 - 12:00am

Lapitin lang daw talaga ng babae ang isang aktor. Super gentleman daw kasi ito sa mga babae kaya naman hindi maiwasan ng ibang ma-fall sa kanya.

Sa isang sosyal daw na event na dinaluhan ng aktor out of the country, grabe raw ang pagkakagulo ng mga sosyal na Pinay pati foreigners sa aktor, huh!

Eh lalaki ang aktor at walang sabit that time, kaya maya’t maya eh iba-ibang babae ang lumalabas sa kanyang kuwarto sa hotel!

Naku, ikaw ba naman ang pilahan ng mga babae, choosy ka pa ba? Pero never naging two-timer ang aktor kapag may girlfriend.

One-woman man lang siya at hindi raw siya playboy, huh!

Kaya nga kinaiinggitan ng ibang aktor ang nasabing aktor!

Alden, dedma sa birthday ni Maine

Bumaha ng cake sa taped 26th birthday celebration ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon.

Mula sa kanyang fans, endorsers at mga kaibigan ang iba’t ibang klase ng cakes. New normal lang nga ang selebrasyon sa show dahil walang live audience sa studio.

May pasampol pa si Meng ng isang production number kahit limitado ang back-up dancers niya.

Siyempre pa, abangers ang lahat sa pasabog na regalo ng boyfie niyang si Arjo Atayde na mahilig sa paandar gift!

Wala si Alden Richards kahapon sa EB. Baka busy sa movie nila ni Bea Alonzo, huh!

Happy birthday, Maine!

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with