_pang-masa
^

Pang Movies

Lovi, nakapila ang gagawing pelikula

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Lovi, nakapila ang gagawing pelikula
Lovi

Smooth-sailing ang lock-in taping ng Owe My Love na pinagbibidahan ni Lovi Poe, kaya sure na sure raw na sa Sunday ay makakauwi na ang mga artistang involved sa show na ‘yon ng GMA 7.

Tama ang sinabi ni Lovi na para silang isang malaking pamilya dahil lahat sila ay magkakasundo.

So, erased-erased na ‘yung naging issue sa first lock-in taping nila last year na nagkaroon ng  “rek­lamo” ang isang singer/comedian.

Sabi ng isang nakausap ko, paglabas ng cast, tapos na tapos na ang one season ng Owe My Love.

One season lang naman daw ang nasabing romantic-comedy series at mag-a-announce na lang kung may balak i-extend ‘yon.

Anyway, ngayong lalabas na si Lovi sa nasabing lock-in taping, mas matututukan na niya ang pagpo-promote ng bagong single niya, ang Under, na ni-record pa niya sa New York City.

Actually, ang released last month ng nasabing single ang official launch na rin ng music career ni Lovi sa US.

May mga nag-iisip nga pala na baka aalis uli si Lovi pa-Los Angeles, California ngayong lalabas na siya sa lock-in taping para magkita uli sila ng boyfriend niyang Hollywood producer, si Montgomery Blencowe, pero may isang tinanong ako at sinabing maghahanda raw ang sexy singer/actress para sa isang bagong pelikulang sisimulan.

Sabi ng kausap ko, two movies nga raw ang gagawin ni Lovi, isang sa Viva Films at isa sa Regal Entertainment, Inc.

May photo shoot din daw na gagawin na gagawin ang actress, so, mukhang subsob muna sa trabaho ang dalaga at wala namang problema sa bagay na ‘yon dahil sobrang supportive naman si Montgomery sa career ng girlfriend.

So nice!

Nathalie, ayaw munang paligaw

Alam mo, Ateng Salve, nang ma-bash kamakailan si Nathalie Hart dahil sa isang issue, naawa talaga ako sa kanya.

Obvious na naapektuhan si Nathalie dahil kahit naglabas siya ng public apology, may iba talaga na hindi siya tinigilan.

That time, marami nga ang nag-advise sa kanya na huwag na ring magpaapekto at kung grabe na ang bashing, i-block na lang niya ang mga namba-bash sa kanya!

Actually, kung kilala mo nang personal si Nathalie, alam mong napakabait ng sexy actress.

Anyway, mukhang moving on na rin naman siya sa mga pamba-bash sa kanya dahil ang concentration niya ngayon ay ang ilang mga trabahong sisimulan.

Sobra ring nagpapaka-busy si Nathalie sa organic products business niya, ang Gayatree Organics na personal niyang tinututukan na paghahanda na rin  para rin sa anak niyang si Penelope.

May mga lalaking nagpaparamdam nga kay Natha­lie, pero decided siya na huwag munang magkaroon ng love life dahil sa trabaho.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with