Miss Grand International PH rep, pasok sa Top 5
Mukhang may malaking chance ang Pilipinas na mapanalunan ang Miss Grand International crown dahil nakuha ng Philippines representative na si Samantha Bernardo ang second highest score sa social media contest.
Dahil dito ay nakasama si Miss Philippines sa limang imi-meet ng founder and president ng naturang beauty pageant na si Nawat Itsaragrisil at may “special meal” silang pagsasaluhan.
Nagpasalamat via Instagram si Samantha sa mga sumuporta sa kanya para makasama siya sa Top 5 on Arrival contest on Facebook. “We made it, Philippines! Maraming salamat sa mga bumoto at sumuporta. Tuloy ang laban, Pilipinas!” post ni Samantha.
Ang iba pang bansang kasama sa Top 5 on Arrival ay Indonesia, Myanmar, Ecuador and Mexico.
Si Samantha ay handpicked ng Binibining Pilipinas Charities Inc. to compete sa 2020 Miss Grand International bilang kapalit ni Aya Abesamis na lumagpas na sa required age ng pageant dahil sa naging delay nito dahil sa COVID-19 pandemic last year.
Dolly Parton, naturukan na
Nakatanggap na ng bakuna ang Country Music Queen na si Dolly Parton mula sa Moderna kung saan siya nag-donate ng $1 million para makatulong ma-develop agad ang vaccine.
Nabakunahan si Dolly sa Nashville’s Vanderbilt University. Nag-tweet pa siya ng: “I’m so excited. I’ve been waiting a while. I’m old enough to get it, and I’m smart enough to get it.”
Inawit pa ni Dolly ang song niyang Jolene pero pinalitan niya ang word na Jolene to Vaccine: “Vaccine, vaccine, vaccine, vaciiiiiiine. I’m begging of you, please don’t hesitate.”
Hindi naman daw nagmadali si Dolly na magpabakuna at willing siyang maghintay at unahin ang health workers at frontliners. Pero dahil senior citizen na siya, isa siya sa naging priority ng vaccine.
Ang ginawang donation ni Dolly sa Moderna ay isang sign na hiningi niya sa Panginoon.
- Latest