^
Jodi, may buwelta kay Claudine?!
Jodi

Jodi, may buwelta kay Claudine?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

Hinihintay sumagot si Claudine Barretto sa post ni Jodi Sta. Maria, girlfriend ng ex husband niyang si Raymart Santiago na “We only have so much time and energy. Are you focusing on the majors of life? Focusing on the things that matter is a good way to fight against the unnecessary noise and distraction.

Tomorrow is never guaranteed. Make life worth living. Choose your battles. Laugh always. Love hard. Show compassion and appreciation. Be grateful. Travel to feed your soul. Pray often...What are your majors?”

Walang particular na binanggit si Jodi, pero gets na gets ng netizens na indirect answer ito ng actress kay Claudine na nagbigay ng  mga statement recently tulad ng diumano’y hurt siya sa ginawa ni Jodi na kinalimutan nila ang mga anak nila ni Raymart na sabihan ng tungkol sa kanila samantalang sa part ni Jodi ay ginawa nila ang part nila sa anak ng actress.

Actually kahit ang post ni Raymart ay naikonek din kay Claudine. “A smiling face is a beautiful face. A smiling heart is a happy heart.”

Wait natin kung sasagot uli si Claudine though wala ngang banggit na name ni Claudine sa mga nasabing post.

Operasyon ni Doris, matagumpay

Successful ang open heart surgery ng ABS-CBN journalist na si Doris Bigornia. Sa tweet ng kanyang anak ay nagpasalamat ito sa mga nagdasal sa kanyang mommy. “Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdara­sal para kay mommy. Natapos na po ang surgery niya nung isang araw at successful po ito. Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy.”

“Naiparating ko na rin po ang inyong mga mensahe at pagmamahal, at siya po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat,” ang buong tweet nito.

Days ago nga nang kumalat ang balitang nagkaroon ito ng heart attack.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with