^

Mga Korean star, choosy sa projects

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

Alam mo, siguro kaya ‘yung ibang artista konti lang kung minsan ang nagagawang project, medyo mapili o talagang hindi nila gusto ang laging nagtratrabaho.

Kasi nga napansin ko sa case nina Bae Suzy, Nam Joo-hyuk at Lee Joon-gi na ang dami nilang nagawang movies at serye, hindi tulad ni Jo In-sung o ng ibang Korean stars na parang kokonti lang ang ginawa kung titingnan mo ang filmography nila.

Parang ang iksi ng listahan. Or baka nga dahil mas open sila sa choices kaya mas madali sila sa pagtanggap ng assignments. Gaya ng Great Battle na dati si Park Bo-gum ang kasama sana ni Jo In-sung, pero tumanggi siya kaya napunta kay Nam Joo Hyuk.

Pero ang sobrang sipag ay si Lee Joon-gi at Bae Suzy na talagang parang sunud-sunod ang mga ginawa kaya ang haba ng listahan nila.

Kung sabagay, iyang choices nila sa trabaho baka dictated din ng management nila, or baka dahil nga very tiring ang paggawa ng serye kaya gusto nilang merong spacing para rest muna.

Saka bongga kasi ang TF nila, puwede silang mabuhay kahit tatlo lang ang gawin nila for a year, enough na to last for another three years, dahil nga international na ang reach ng movies at serye nila.

Afford na nilang magtamad-tamaran sa trabaho. Kainggit ‘di ba, ‘yung reach ng kanilang showbiz industry. Dream on na lang ang local talents natin. Sana ganun din ang maging kapalaran ng ating showbiz.

Mga negosyong nabuo sa pandemya, may mga suki na

Sana ‘yung mga small business na inumpisahan habang may pandemic manatili pa ring afloat kahit na maging normal na ang panahon. Ang dami rin talagang small business na talagang magugustuhan mo lalo na ‘yung sa pagkain kasi ang dami pala na mahuhusay na cook among us. Tambak ang lumabas na pastry at baked products, mga bagong putahe ng ulam, at tingnan n’yo ha, magaganda ang packaging, talagang maeengganyo ka na bumili. At nakita natin ang malaking tulong ng delivery service, na kahit ‘di ka lumabas ng bahay talagang darating sa oras ang order mo, in good condition.

Naku, sana naman ‘yung mga namuhunang bumili ng kitchen wares, motor, mabawi nila ang puhunan kahit normalized na ang lahat, tuluy-tuloy lang ‘yung business, dahil nakapag-umpisa na kayo.

Siguro meron na rin silang naging suki na laging hahanapin ang mga paninda nila. Boom ang online order, tuluy-tuloy lang. 

KOREAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with