^
Ruru at Bianca, lantad na!
Ruru at Bianca

Ruru at Bianca, lantad na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

My-hal ang tawag ng Kapuso actor na si Ruru Madrid kay Kapuso actress na si Bianca Umali.

“Happy birthday my-hal,” komento ni Ruru sa Instagram pic ni Bianca sa kaarawan niya kahapon.

Unti-unti nang ibini­bisto ni Ruru ang relasyon nila ni Bianca kahit wala pang personal na kumpirmasyon mula sa kanila.

Eh sa paglalantad ng kanilang relasyon, wala nang maaapektuhan pang loveteam nina Bianca at Miguel Tanfelix.

Kanya-kanya na ng career path ang dating magka-loveteam. May Voltes V: Legacy na si Miguel habang si Dennis Trillo ang kapareha ni Bianca sa The Legal Wives.

Eh may report na na isa nang miyembro ng Iglesia ni Cristo si Bianca. Matagal nang member ng INC si Ruru.

So wala na sigurong hadlang sa pagkakaroon ng relasyon nina Ruru at Bianca, huh!

Teka, wala na rin kayang selosan sa kanila lalo na ngayong si Shaira Diaz ang kapareha ni Ruru sa Kapuso series niyang Lolong?

Bea at Alden, may big reveal pa

Inaabangan ng netizens at televiewers ang big reveal ng GMA sa 24 Oras.

“This is the moment you’ve been waiting for!” nakasaad sa IG post ni Kapuso Girl.

Hula ng netizens, announcement ito sa ginagawang movie nina Bea Alonzo at Alden Richards na ang title ay A Moment To Remember.

Co-production ito ng GMA Pictures, APT Entertainment at iba pa.

Ang movie yata ang dahilan kung bakit missing in action sa Eat Bulaga si Alden ng ilang araw na.

Balita namin ay nasa lock-in shooting siya ng movie. So abangers na lang natin tonight sa 24 Oras ang big reveal!

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with