^
Heart, bibiyahe para sa âTimes Squareâ
Heart

Heart, bibiyahe para sa ‘Times Square’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

Aalis pala sa August si Heart Evangelista, lilipad siya pa-New York para raw sa campaign for Times Square. May kinalaman kaya ang dalawang beses na pag-apir ni Heart sa digital billboard sa Times Square sa New York ang kanyang pag-alis?

Going international na talaga ang Kapuso actress at nauna sa digital billboard niya sa Times Square, na-feature na rin siya sa isang Lifestyle Magazine sa France at kinuhang endorser ng brand ng bag sa Paris.  “I will be travelling to New York City this August to shoot for something, which will be in Times Square.”

Gumawa na rin siya ng Hollywood movie noong 2019 na sa China ang location. Kuwento ni Heart, dapat ipinalabas ang Hollywood action movie sa US, China at iba pang parte ng mundo, naurong lang dahil sa COVID-19 pandemic.

Dito sa atin, pagbibidahan niya ang isang bagong series sa GMA 7 na I Left My Heart in Sorsogon na sa April na raw sisimulan ang shooting.

Sunud-sunod din ang endorsements nito, kaya wala siyang time sa bashers at sa netizens na nag-comment ng “Everything I read about Heart Evangelista was against my will.” Ang sagot ni Heart, “Then I’m not for you:) hope you find someone that will make your soul sparkle.”

Paolo at Maine, magho-host ng pino-promote na ‘sEARCH’ ni Sarah sa TV5

Sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza raw ang hosts ng POPinoy, ang biggest boy band search sa bansa at hindi si Sarah Geronimo. Endorser si Sarah ng TNT na major sponsor ng boy band search na mapapanood sa TV5. Dahil mukha ni Sarah ang nasa teaser ad, inakalang siya ang host nito. May mga comment nga na susundan nito sa TV5 ang husband niyang si Matteo Guidicelli.

Kung sina Paolo at Maine nga ang hosts ng POPinoy, unfair sa kanilang dalawa na hindi sila ang pinu-promote, hindi pictures nila ang nasa Instagram ng TV5. O, baka naman may ilalabas pang teaser ad ang TV5 na mga larawan nina Paolo at Maine ang gagamitin?

First show sa TV5 ito ni Maine na puwede namang tumanggap ng projects sa labas ng GMA Network dahil hindi siya nakakontrata sa Kapuso Network at sa GMA Artist Center. Si Paolo, host ng Bawal Na Game Show kasama si Wally Bayola at libre rin siyang lumabas sa TV5.

Birthday pala ni Maine this Wednesday at may announcement daw sa Eat Bulaga, ang hula ng fans, baka mag-guest ang BF nitong si Arjo Atayde o kaya’y may birthday message sa kanya.

Juan Miguel, giliw na giliw sa apo kay Janella

Nakita at nakarga na ni Juan Miguel Salvador ang apo niyang si Jude Trevor Paterson, anak ng anak niyang si Janella Salvador at Markus Paterson. Sa inilabas na photos sa Instagram account ni baby Jude, makikitang magkamukha ang mag-lolo. Makikita rin ang pagkagiliw ni Juan Miguel sa kanyang apo.

Samantala, wala pang balita kung may bago na bang project sina Janella at Markus sa ABS-CBN ngayong nakabalik na sila sa bansa. May mga request na bigyan ng bagong project ang dalawa dahil nami-miss na raw nilang umarte.

Sabi pa ng fans, mabuti pa ang mom ni Janella na si Jenine Desiderio, may series sa GMA 7. Kasama siya sa cast ng Afternoon Prime na Babawiin Ko Ang Lahat bilang tita ng karakter ni Tanya Garcia.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with