^

Pang Movies

John, kasabwat sa relasyong Derek-Ellen

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

May kinalaman ang actor na si John Estrada sa pagkakakilala at pagiging malapit sa isa’t isa nina Derek Ramsay at Ellen Adarna hanggang mauwi ito sa totohanang relasyon.

Close na magkaibigan sina John at Derek. Same village lamang sina Derek, Ellen at Ruffa Gutierrez kaya minsan (January 11, 2021) ay nag-host ng itimate dinner ang athlete-actor sa kanyang bahay na dinaluhan nina John, Ellen at Ruffa.  Sina John at Ellen ay may bagong sitcom sa TV5, ang John En Ellen. Magmula sa intimate dinner na `yon sa bahay ni Derek ay nasundan pa ito ng outing sa Batangas at Caliraya kung saan kasama rin nila ang ilang kaibigan at anak ni Ellen na si Elias (kay John Lloyd Cruz).  Noong Valentine’s day, muling nag-host si Derek ng intimate dinner sa kanyang bahay kung saan naroon ang mommy ng actor and his son na si Austin, naroon din ang mag-inang Ellen at Elias maging ang ilang malalapit na kaibigan ng actor.

The first time na nagkita sina Derek at Ellen ay they hit off kaagad dahil marami umano silang common grounds and interests.  Nagustuhan ng actor ang pagiging transparent ni Ellen.

Since two streets apart lamang ang tirahan nina Derek at Ellen, madalas magkasama ang dalawa until they finally admitted to the public na sila na nga.

Ang relasyon ni Derek sa Kapuso actress na si Andrea Torres ay noong nakaraang November 2020 lamang nagtapos pero after two months ay muling nakahanap ng bagong iibigin ang actor sa katauhan ni Ellen.

Kahit sinasabi ngayon ni Derek na si Ellen na umano ang kanyang `the one,’ hanggang kailan kaya tatagal ang relasyon ng dalawa?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Sharon, nag-umpisa na sa comeback movie

Hindi ikinakaila ng 34-year old controversial writer-director na si Darryl Yap na sobra umano siyang na-starstruck nang makaharap niya nang personal ang Megastar na si Sharon Cuneta na siyang pangunahing bida sa kanyang comeback movie sa bakuran ng Viva Films, ang Revirginized kung saan din tampok sina Albert Martinez, Rosanna Roces, Marco Gumabao at ang nagbabalik-showbiz na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez.

Tumulak na sila ng Subic for their first day shoot noong nakaraang Lunes.

Itinuturing na gender-bender director si Direk Darryl dahil mga out of the box ang mga sinusulat at dinidirek nitong pelikula tulad ng launching movie ni Kim Molina, ang Jowable, Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, Tililing at iba pa.

Walang paki si Direk Darryl sa ginagawang pamba-bash sa kanya ng iba dahil sa kanyang mga kakaibang movie project na siya rin mismo ang sumusulat.

Personal choice ni Direk Darryl si Mega sa kanyang Revirginized movie project at hindi niya akalain na tutuparin umano ito ng Viva na all out ang suporta sa kanya.

Honored din ang batang director na tinanggap ni Mega ang kanyang proyekto at hindi rin niya akalain ang pagiging mabait at totoo nito in person.

Masayang-masaya rin ang original `TF Queen’ na si Rosanna Roces na katrabaho niya for the very first time ang Megastar. At kahit first time lamang na nagkatrabaho sina Shawie at Osang sa movie, nagkaroon umano ng instant rapport ang dalawa at agad na naging magkaibigan.

Halos maiyak si Osang sa mga papuri sa kanya ni Shawie during the digital presscon ng Revirginized noong nakaraang linggo ng gabi.

Bukod kay Osang, first time ring katrabaho ni Mega sina Marco Gumabao at ang nagbabalik-showbiz na si  `Kring-Kring’ Gonzalez  habang dalawang beses na niyang nakapareha sa pelikula si Albert Martinez sa pelikulang Minsan Pa in 1995 at Nang Iniwan Mo Ako in 1997 kaya maituturing nila itong reunion project after 24 years.

Magsisilbing comeback movie niya ito sa kanyang original home studio after 18 years.

Happy birthday…

Personal:  Happy birthday today, March 3, kay Baby Gil ng Viva at sa lahat ng birthday celebrants sa araw na ito ng Miyerkules.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with