^

Mga kababaihan, ginagamit na sandata ang mga anak?!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 2, 2021 - 12:00am

Lagi nating ipinaglalaban ang women empowerment. ‘Yung ipakita na pantay dapat ang karapatan ng babae at lalaki, na ‘yung kayang gawin ng isang lalaki, kaya rin nating mga babae. Pero isang bagay na lagi tayong nagpapatalo, ‘yung pagdating ng hiwalayan, para bang hindi natin makakayang mabuhay nang wala ang tulong nila.

Kung gusto nating ipakita na empowered tayo, dapat ipadama natin sa kanila na kakayanin natin. Na hindi tayo magiging dependent sa kanila kahit sa financial.

Oo, ipaglaban natin ang karapatan natin sa responsibilidad na iniwan nila, na dapat makuha ng mga bata ang para sa kanila, but in a way na hindi tayo parang pulubi na humihingi ng limos.

Go to the court, the proper channel, huwag ‘yung batuhan ng dirty linens sa publiko, huwag ‘yung sumbatan, idaan sa legal. Huwag pumayag na para kang nanghihingi ng abuloy tuwing hihingi ka ng pera, dapat on time, ‘yung talagang sinabi ng batas na dapat niyang ibigay. Kasi kung minsan parang emotional blackmail lang ang nangyayari, lalo pa nga ‘pag celebrity ang involved, kasi nga takot sa bad press, hayun, nako-corner.

Dapat fair sa lalaki, fair din sa babae. Pareho nilang pinasok ‘yung responsibilidad, pareho nilang dalhin ang consequence nito, huwag gawing sandata ‘yung bata para sa advantage ng isa, kawawa naman. ‘Pag hiwalay na, cut ties clean, para walang sabit. Tapos move on na, huwag nang magsayang ng oras sa isang problema na kayo rin ang gumawa. Face it, head on.

Action films ng Korea, walang barilan

Explain mo nga sa akin, Salve, bakit ‘yung action films o serye ng Korea walang barilan? Ang tipid nila sa artillery ha, talagang mga sindikato pero suntukan lang nang suntukan, walang baril. Merong panaksak, at kung minsan ipinapakita na may baril ang pulis pero walang gunfight. Namamatay sa pagkahulog sa buil­ding, bangga ng kotse, saksak, nabaril ng pulis, pero wala ‘yung putukan nang putukan na lagi kong nakikita sa action movies.

Either matipid sila dahil mahal ang bala kahit blank bullets, or iyon ang gusto nilang kultura, you kill by your hands, ‘yung skill mo sa physical fighting.

Bongga ha. Kaya siguro mas madaling maging action hero sa kanila ang dancers na tulad nina So Ji-sub at Lee Joon-gi dahil nga mabilis ang katawan sa kilos at may agility sa mga eksena ng action.

Kung ganito ang action films, mas matipid dahil usually malaki ang budget doon sa ginagamit na armory, mga baril at bala. Meron pang special permit ito. 

KOREAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with