^
Lee Joon-Gi, umaapaw ang charisma
Lee Joon-Gi

Lee Joon-Gi, umaapaw ang charisma

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

Now alam ko na ang magic ng isang artista kahit hindi siya ganun kapogi or kasing yummy ng iba. ‘Yung presence niya na buong screen ay kaya niyang dalhin. ‘Yung charisma niya na puwedeng mapaniwala ka niya sa kanyang ginagawa.

Curious ako kung bakit ang dami nang nagawang project ng Korean actor na si Lee Joon-gi , malala­king project na siya talaga ang lead role. Dagdag sa curiosity ko ‘yung sa height na 5’8, sa very lean built ng katawan niya, mostly mga action scene ang ipinapakita niya sa screen.

Isa pang naging very curious ako, ‘yung talagang magaganda ang mga leading lady niya eh iyon nga, ‘di naman siya kasing-pogi nina Park Bo-gum o Nam Joo-hyuk, at hindi siya kasing-tangkad nina Kim Woo-bin at Jo In-sung.

Ang lakas pala ng charisma niya at ‘yung screen presence niya.

Kasama niya sa Scarlet Heart sina Nam Joo-hyuk at Ji Soo, towe­ring on their more than 6 feet heights, pero hindi siya na-overshadow. Ang husay ng partner niyang babae sa Flower of Evil, pero hindi siya kinain sa mga dramatic scene. At ‘yung lean built niyang iyon ha, believable na talunin niya ang mga kalaban niyang goons sa Lawless Lawyer.

Iyon pala ang isang quality that set you aside from other stars, iyon ang hindi ka mao-overshadow ng kasama mo, ‘yung kaya mong i-hold ang interest sa iyo ng manonood.

Bongga siya ha, ang dami niyang magandang serye at movie na ginawa, at sa edad na 38, mukha siyang bata dahil nga lean cut at sakto lang ang height. At singer/dancer pa siya, multi-talented, pero of course, Jo In-sung pa rin ako.

Ex ni Kristoffer, tuloy ang paghahabol

Hindi ko maintindihan ‘yung problema ni Kristoffer Martin. Nagkaroon siya ng anak, iniwan niya dahil meron na siyang bagong mahal, bakit hindi matanggap?

We fall in and out of love, kung meron kang responsibility dahil may anak kayo, huwag mong talikuran iyon para sa bata, pero kung hindi mo na mahal ‘yung naging karelasyon mo, dapat lang na maghiwalay kayo. Hindi naman siguro tama na wala nang love pero kayo pa rin. Hindi rin maganda na parang lagi na lang naapi ang naiwan.

It takes two to tango, nawala ang pagmamahal, so be it. Gusto mong ipagpatuloy niya ang suporta sa anak n’yo, go, iyon ang habulin mo, pero huwag nang ipilit ang hindi puwede. ‘Pag ayaw na, ayaw na. Hindi pinipilit ang pagmamahal, ibinibigay iyon, huwag mong isumbat na nawala dahil talagang ganun. Sayang nga ‘pag nawala, pero ano pang magagawa mo?

So, basta ibigay ni Kristoffer ‘yung suporta ng bata, tapos na, huwag nang magsalita. Talagang ganyan ang buhay, bihira ang may forever.

 

ARTIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with