^

Pang Movies

Ellen, sa bahay na ni Derek natutulog!

Gorgy Rula - Pang-masa
Ellen, sa bahay na ni Derek natutulog!
Ellen at Derek

MANILA, Philippines — Magmula nang aminin na nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang relasyon na isang buwan na pala, open na open na rin sila ngayon sa kanilang ipinu-post.

Nagpu-post na silang magkasama pagkagising sa umaga na obviously doon natulog si Ellen. Doon din kaya natulog ang anak ni Ellen o iniwan na lang sa yaya sa bahay niya?

Sa IG video na iyon ay nasa isang banyo sila na kung saan pinasasalamatan nila si Yassi Pressman na nagbigay ng ibang klase ng toothbrush para sa kanilang dalawa.

Ipinakita ni Derek sa sink ng banyo niya ang ibang toothbrush na papalitan na raw iyon ng bago.

Magkaparehong video ang ipinost nina Derek at Ellen na sa loob sila ng banyo ng bahay ni Derek.

Binati ni Derek si Ellen ng “good morning bruha,” at ipinakita roon sa video na kailangan na raw i-replace ang mga tootbrush sa loob ng banyo.

Nabilang ko ang mga toothbrush na papalitan, pito ‘yun.

Ang dami kung banyo lang naman iyon ni Derek.

Hindi kaya nandun pa ang toothbrush ni Andrea Torres?

Pagka-post pa lang nila sa Instagram ng video na iyon, dinagsa ito ng libu-libong likes at comments.

Karamihan naman ay mga magagandang komento na natutuwa sila para sa dalawa.

May ilang supporters ni Derek na hinahamon na ang bashers na magsimula nang mam-bash.

Keri na ni Derek harapin iyon lahat at hindi talaga siya nagdi-disable ng comment section para free ang lahat na magbigay ng kani-kanilang opinyon.

Samantala, ngayong buwan ng Marso ay nakatakda nang simulan ang drama series ni Derek na kung saan makakasama niya sina Max Collins at Carla Abellana.

Shayne masusubukan sa Legal Wives

Finally, nabigyan na rin ng drama series ang huling StarStruck Female Survivor na si Shayne Sava kasama ang isa ring graduate ng StarStruck na si Abdul Raman. Ilulunsad ang loveteam nina Shayne at Abdul sa bagong drama series ng GMA 7 na Legal Wives.

Malaki ang pasasalamat ni Shayne na dire-diretso na ang trabaho dahil na-stress din daw talaga siya noong magsimula ang pandemic, natigil sila sa trabaho.

Mabuti na lang bago matapos ang taong 2020 ay nakabalik na siya sa All-Out Sundays kaya medyo um-okay na raw sila, at diretso na siya sa taping ng Legal Wives.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with