^

Andrea ingat sa pagsasalita, Derek pinagbibintangan ng rebound relationship

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 28, 2021 - 12:00am

Habang visible na ang magkarelasyong Derek Ramsay and Ellen Adarna, ‘God is my answer to everything’ ang parang sagot naman ni Andrea Torres sa kanyang IG story kahapon.

Consistent ang pananahimik ni Andrea pero sa kanyang Kumu interview the other night ay parang hindi raw ito affected at tawa raw nang tawa sabi ng isang nakapanood sa actress.

Umamin din umano ito sa nasabing interview na hindi siya masalita sa kahit anong bagay dahil ayaw niyang makasakit ng damdamin kaya pinag-iisipan daw niyang mabuti ang mga sasabihin.

Samantala, may ilan naman nagdududa na baka raw rebound lang ang relasyon nina Derek at Ellen dahil pareho silang galing sa failed relationship. Ang bilis daw kasi ng mga pangyayari.

Jake pinagtanggol ni Kylie na ginawang prank proposal

At least pinatunayan ng magkarelasyong Jake Cuenca and Kylie Versoza na hindi sila affected sa iba’t ibang reactions ng netizen matapos i-prank ng actor ang girlfriend na former beauty queen ng proposal.

Bad joke for netizens ang ginawa ni Jake sa girlfriend na live-in na raw ang set-up ayon sa bulung-bulungan.

As if ang netizens ang nabiktima ng prank ng actor na ang tatanungin lang pala ay kung kumain na ang girlfriend habang nasa magandang set-up sila na uploaded sa Instagram account ni Jake.

“I just wanted to ask you one thing,” ang caption ni Jake sa nasabing video na obviously ay pang-vlog niya.

At ‘yun nga, sinabi naman ni Kylie na “Hello guys! I knew that Jake was going to ask me this question before filming. No feelings or humans were hurt while filming this video hehe, peace and love
“Jake has been the best boyfriend to me,” ang paliwanag agad ni Kylie.

Bottomline, scripted ang nasabing vlog.  Pero ang bongga pinatunayan ni Kylie na actress siya dahil marami siyang na-convince na nagulat siya sa ginawa ng boyfriend na actor.

Agad ding nag-post si Jake ng “The only opinion that matters when it comes to our relationship is yours. I love you @kylieverzosa . unapologetically in love with you.?”

Sinagot din agad ito ni Kylie ng “I am so lucky to have you I love you you boo.”

Ahhh ang fault lang ng ibang netizens kasi, mas affected pa sila sa mga ini-stalk nila.

Paulo at Jasmine, pinangalanang DDS

Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot sina Paulo Avelino and Jasmine Curtis matapos makasama ang pangalan nila sa isang article ng rappler.com na may pamagat na “Stars, influencers get paid to boost Duterte propaganda, fake news.”

May mga document na hawak ang rappler at extensive ang kanilang research.

Pero lumalabas sa kanilang research na walang alam ang mga artista na kasali sila sa nasabing grupo na tumatanggap ng milyones every month.

Wala pang official statement sina Paulo at Jasmine tungkol dito.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with