^

Gina Pareño, inakalang may mental health problem

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 28, 2021 - 12:00am

Let’s turn nostalgic for a change muli, Salve A., if only because pag-usapan natin ang aktres na si Gina Pareño, now 73 years old (birthdate, October 20, 1949).

Gina is currently featured in Daryl Yap’s new movie, Tililing, which is about mental health, which, according to Gina, for a time, she thought she was suffering from.

But thank God, guni-guni lang pala niya.

Do you know that Gina has been in showbiz for nearly five decades?

Kasama raw kasi siya sa grupong ­in-or­ganize ni late Dr. Jose Perez, owner at head ng Sampaguita Pictures, at bi­ninyagan nitong Sampaguita Stars ’66.

Grupo sila ng mga kabataang in their teens, na pawang may ambisyong sumikat na artista.

Bukod sa kanya, kasama niya sa grupo sina Bianca Gomez, younger sister ng noo’y sikat na artista ng istudyo ni Dr. Perez, si Daisy Romualdez, Sarah Calvin, Rosemarie Sonora (nakababatang kapatid ni Susan Roces), Shirley Moreno, plus the late Loretta Marquez.

Sa grupo ng lalaki, kasama, natatandaan ni Gina ang magkapatid na Rodriguez, sina Pepito at Ramil; Ricky Belmonte (na napangasawa ni Rosemarie), Edgar Salcedo, Bert le Roy at Dindo Fernando.

Ayaw banggitin ni Gina ang pangalan, pero, ang ilan daw sa mga ito ay sumakabilang buhay na.

Actually daw, siya na lamang ang aktibo sa showbiz sa grupo, hanggang ngayon.

Would you believe na bukod dito sa Tililing, may dalawa pang projects siyang gagawin, before the year ends?

Kaya niya pa? Biro sa kanya ng members of the entertainment media invited by Viva Entertainment sa virtual presscon for the movie? “Kung hindi,” maliksing sagot niya, “I won’t be here.”

Well, Tililing co-stars Gina with Donalyn Bartolome, Candy Pangilinan, Chad Kinis at Baron Geisler.  “Magandang aral ang mapupulot at matutunan ng mga nanonood sa Tililing (scheduled to be streamed on Vivamax, starting March 5, Friday),” ani Gina. 

Regine, hahataw ngayon sa freedom

Don’t look now, but tuloy ang puwedeng tagurian na ngayon na post-Valentine concert ni Regine Velasquez, titled Freedom, na virtual mapapanood today February 28, 8 p.m., sa KTX.ph.

As is common knowledge, na–postpone ang concert, na originally scheduled February 14, dahil na-expose si Regine sa isang carrier of the COVID-19. And she and her husband, Ogie Alcasid, plus the management ng ABS-CBN, didn’t want to take the risk of having the concert’s staff, plus her guests, na ma-expose to the virus. “But the concert will be worth the wait,” anang isa na may kinalaman sa event. “Mas maraming aawitin si Regine. Bukod sa may mga bagong numbers siya na aawitin din.”

Heaven, napalakas ang sampal kay Barbie

Sampal to the max daw ang iginawad ni Heaven Peralejo kay Barbie Imperial sa isang eksenang kinunan sa kanila sa series na Bagong Umaga, kung saan nag-aaway sila ng matindi.

Sobrang nasaktan daw siya, pag-amin ni Barbie. But was part ng eksena, kaya, wala raw siyang magagawa.

Heaven apologized to Barbie profusely.

Guess kung sino kaagad ang umalalay kay Barbie, who was taping for another series. And not just nearby, ha.

Her boyfriend of a few months, Diego Loyzaga.

Well, that’s what love means, ‘di ba?

GINA PAREñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with