^

Maine nag-e-expect ng paandar ni Arjo sa kanyang birthday

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 28, 2021 - 12:00am

Tiyak na masayang-masaya ang mga ArMaine fans dahil finally ay mapapanood na ulit nila ang dalawa together pagkatapos na unang magsama sa Metro Manila Film Festival 2018 movie, Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Pumayag si Arjo na ma-guest sa sitcom nina Maine and Vic Sotto na Daddy’s Gurl at mapapanood na ito ngayong March 6.

“First time po namin magkatrabaho was sa Jack Em Popoy po. First time po naming magkatrabaho na kami na po talaga,” ani Arjo sa panayam ng 24 Oras.

Pagsesegunda naman ni Maine,  “first time din po namin mag-meet du’n sa movie sa Jack Em Popoy two years ago.”

Ayon pa kay Arjo, ang pag-guest niya sa sitcom ang birthday girft niya kay Maine na magdiriwang ng kaarawan this March.

“Nakakatawa kasi nag-uusap kami and sinasabi niya sa akin na medyo kinakabahan siya, tapos sabi ko, ‘ano ka ba kayang-kaya mo yan,’ ganyan. Na-deliver naman,” kwento ni Maine sabay-dagdag ng “best actor!”

Ayon naman kay Arjo ay sobrang happy siya to be working with Maine again.

“I’m very happy that I got to work with her again and again it’s on her birthday, so it’s extra special to me. And building memories with her, so this is all the memories together we are building, and I’m very happy. Hindi ko ma-explain, talagang yeah! Parang finally I got to work with her,” he said.

Nakumusta nga rin sa kanila ang nakaraang Valentine’s Day at kung paano nila ito ipinagdiwang. Sey ni Maine, nag-dinner lang daw sila kinabukasam.

“Kasi, matagal na rin ako ‘di nakaka-uwi, so nu’ng Valentine’s I spent it with my family po sa Bulacan. Tapos nag-dinner na lang kami the following night ni Arjo.”

When asked kung ano ang special gift ni Arjo kay Maine sa kaarawan nito on March 3, ayon sa aktor ay sa kanila na lang daw ‘yun.

Hirit naman ni Maine, “lagi kasing may paandar ‘yan as in lagi (sabay tawa). Kaya hindi niya puwedeng sabihin dito, kasi malalaman ko na kung ano ‘yung paandar,” sey ni Maine.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with