^

Derek at Ellen, umamin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 28, 2021 - 12:00am

Tinapos na nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mga tanong sa estado ng kanilang madalas na pagsasama.

Sa lumabas na report, kinumpirma nina Derek at Ellen ang kanilang relasyon. Pero hindi sa kanilang kumpirmasyon natapos ang maaanghang na komento ng netizens sa bawat post nilang magkasama sa social media.

Sumasagot si Derek sa ilang netizens na bumibira sa bagong relasyong pinasok. Sinasabihang i-unfollow na lang siya.

Mas matapang si Ellen sa pagsagot. Bini-Bisaya pa niya ang sagot niya paminsan-minsan.

Kapwa galing sa failed relationship sina Derek at Ellen. Eh madalas magsama sa mga dinner, natural, magkakagustuhan sila, huh!

Wala namang mga sabit so kung magkagustuhan eh, keri lang. Walang taong masasaktan!

Saka unfair naman ang akusasyong naggagamitan sina Derek at Ellen.  Pareho silang may-kaya sa buhay. Of age na rin sila.

Hayaan na natin silang lumigaya. Wala naman silang sinasaktang tao.

Patahimikin na ninyo sina Derek at Ellen!

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with