^

Maymay, pinuri sa pagiging loyalista

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 28, 2021 - 12:00am

Kabilang si Maymay Entrata sa mga nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN at pinuri ng Kapamilya fans ang loyalty niya.

 “Mahalaga sa akin ang pagiging Kapamilya dahit dito ako nagsimula. Parang sila ang naging tulay ng mga pangarap ko. Dito ko nahanap ang purpose ko. Hindi lang naman ako binigyan ng pagkakataon o oportunidad para po ipagmayabang kung anong meron ako, kundi po para maging inspirasyon  dun sa mga taong kagayang

nangangarap katulad ko,” bahagi ng pahayag ni Maymay kung bakit nanatili siyang Kapamilya kahit walang franchise ang network ngayon.

Maine. pinaglaruan ang bashers

Hindi nagpapataranta si Maine Mendoza sa mga  threat ng ilang Aldub fans na i-boycott ang Eat Bulaga, at ang Daddy’s Gurl dahil lang maggi-guest ang boyfriend niyang si Arjo Atayde sa March 6, episode ng Daddy’s Gurl

Pati si Alden Richards damay sa bantang boycott ng ilang fans dahil pati ang Centerstage ng Kapuso actor, ibo-boycott din daw.

Kaya ang ginawa ni Maine, ni-retweet ang hashtag na #ADNBoycottEBxDGxCS, naloka siguro ang mga pasimuno sa boycott dahil sinabayan sila ni Maine. Kasi naman, ang tagal na ng relasyong Maine at Arjo, nag-a-“I love you” na nga sila on air, ayaw pa ring paniwalaan ng ibang Aldub fans na sila ang totoo.

Samantala, inaabangan na ng fans ni Maine ang release ng bagong single niyang Lost With You sa Mar. 3, araw mismo ng kanyang birthday. 

Cassy at JD, lumaki sa yaya

Sa March 15 na ang world premiere ng First Yaya, kung saan, ipakikilala ang love team nina Cassy Legaspi at JD Domagoso.

Ginagampanan nina Cassy at JD ang role nina Nina at Jonas respectively, sa una

love-hate ang relationship, but later on, magiging friends din.

Sa mediacon, natanong sina Cassy at JD kung how is it doing a teleserye?

  Sagot ni Cassy, “sanay na ako sa TVC shoot at akala ko pareho, pero nakakapagod din palang mag-taping ng teleserye. But it is so effective and it’s fun and after each scene, nawawala ang pagod ko. I’m always with JD sa mga eksena namin.”

Sabi naman ni JD, “Nanibago ako dahil first teleserye ko nga, pero mas masaya ang lock-in taping. Nakakasama ko ang co-stars ko and we enjoy each other’s company, ‘pag walang take, kuwentuhan kami at binibigyan nila ako ng tips sa acting.”

  May mga yaya sila na nag-alaga sa kanila, ang yaya nga ni Cassy, mula noong tatlong taon pa lang siya at hanggang ngayon ay kasama pa niya. Second mother na ang turing niya kay Yaya Cora.

Ang anak naman ni Mayor Isko Moreno ay may yaya mula noong five years old  hanggang 14 years old siya. Umalis lang ito nang mag-asawa, pero nakaka-chat pa rin niya hanggang ngayon. Second mom din ang turing niya sa kanyang yaya.

MAYMAY ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with