^
Gabbi at Khalil, walang intriga
Gabbi at Khalil

Gabbi at Khalil, walang intriga

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

Magsisimula na ‘yung serye na pagsasamahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Suwerte naman ng dalawa na kaagad ay nahanapan sila ng project at bagay sa kanila ang istorya. Lucky din si Khalil na una niyang project sa GMA7 kasama agad ang GF na si Gabbi.

Meron talagang luck ang chemistry, at umpisa pa lang ay magaan na kaya hayun, pati sa trabaho maamo ang luck. Bagay naman ang dalawa, they look good together, at parang maayos ang relasyon dahil wala kang naririnig na intriga.

Sana mag-click ang serye nila para may mabuo na namang loveteam, at sana nga tulad ng ibang romance, matuloy sa altar ang Gabbi at Khalil team.

Seize the moment…

Ang ganda talaga ng aral ng kasabihan na “your time is limited, don’t waste it.”

Totoo naman iyon, maikli ang buhay, uncertain ang future, bakit kailangan ng mga walang kuwentang bagay ang pag-aksayahan mo ng panahon? Bakit kailangan ‘yung limited na oras ng buhay mo, meron pang tao o bagay na hindi naman importante para bigyan mo ng oras?

Enjoy life to the fullest, ‘yung hindi ka nanghina­yang kasi hindi mo nagawa habambuhay at malakas ka pa. In your limited time, dapat ‘yung mga bagay of importance lang ang ginagawa mo. ‘Yung mistakes, ok lang, pero daanan mo lang at huwag tambayan, don’t allow it to hinder your growth. ‘Yung mga tao na naka-disappoint sa iyo, throw them away, wala silang importansiya sa buhay mo, huwag kang manghinayang, they are not worth it.

Ang time ‘pag nawala na, hindi na maibabalik pa, kaya seize the moment, che­rish it. Don’t waste it, enjoy it. Make it worthwhile, your most treasured possession is your time, ito ang pinakamahal na bagay sa sarili mo, huwag mong ibigay nang ganun lang, dapat ingatan mo.

Sabi nga noon ni direk Lino Brocka, kahit sa pakikipag-usap lang, dapat meron kang nakukuha, dahil kung wala naman, why waste your time? Remember, you may not have everything, but you should have enough.

GABBI GARCIA KHALIL RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with