^

Pang Movies

Coco pinababayaran ang regalo kay Angelica

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Coco pinababayaran ang regalo kay Angelica
Angelica at Coco

Ang bongga ng surprise gift ni Coco Martin sa leading lady sa pelikulang Love or Money na si Angelica Panganiban.

In-upload ng Star Cinema sa kanilang YouTube channel ang behind the scenes sa set ng Love or Money kung saan ay makikitang tumambad kay Angelica ang isang Gucci paper bag na regalo ni Coco sa kanya habang nasa isang kwarto silang lahat.

Ibinaba ni Coco ang paper bag sa mesa sabay-sabi kay Angelica na “nu’ng ano pa ‘to, after ng Dubai natin.”

Kitang-kita naman na parang na-shock si Angelica pero at the same time ay halata ring na-flatter.

“Ano ‘to? Cupcake lang ang ibinigay ko,” sey niya habang nagtatawanan ang lahat. “Hindi, dati ko pa nakita ‘yan,” sey naman ni Coco.

Nilapitan ni Angelica ang gift na nasa mesa at sey na naman niya, “baka may kapalit ‘to, ha? Hindi puwede ngayon. Nahuli ka ng mga ilang months.”

Tawa naman nang tawa si Coco. As we all know ay may bagong boyfriend na nga kasi ngayon si Angelica.

Hanggang sa binuksan na ni Angelica ang gift at sey pa niya bago buksan, “syet, baka pang-premiere night ‘to.”

Inalis ni Angelica sa paper bag ang pink box na halatang mabigat ang laman.

“Ang bigat, mga mommy. Na-budget-an,” natatawang sabi ng aktres.

Nang buksan niya ang box ay tumambad sa kanya ang isang set ng tableware. “OMG, I love it, oh my gosh! This is so pangmayaman,” sambit niya.

Ipinakita ni Angge sa camera ang plate na may disenyong pusa. “Look at this!” sey niya.

Ayon sa report ng ABS-CBN, sa Gucci website ay makikita raw ang presyo ng made-to-order plate na nagkakahalaga ng USD310 na humigit-kumulang P15,000.

“This is so pangmayaman,” nakangiting sambit ni Angelica.

Nang tanungin ng isang staff ang aktres kung ano ang masasabi niya sa bigay ni Coco, sagot niya, “wala akong masabi, kinakabahan ako sa kapalit.”

Tawanan. “Mamaya, babayaran mo ‘yan,” natatawa ring biro ni Coco.

Abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Angelica at halatang happy sa gift ni Coco. “I deserve this, gagalingan ko po rito sa pelikulang ‘to,” masayang sabi ng aktres tungkol sa pelikula nilang naudlot din ang pagpapalabas dahil sa pandemya.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with