_pang-masa
^
Kim at Xian, weekly na ang out of town
Xian at Kim

Kim at Xian, weekly na ang out of town

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

Spoiled na spoiled si Kim Chiu sa boyfriend na si Xian Lim, huh!

Aba, kung pagbabasehan ang Instagram pictures ni Kim, mukhang lumarga na naman sila sa isang out of town trip. Nasa background ni Chinita Princess ang litrato ang isang maliit na plane.

Then sa caption, nakalagay ang salitang, “Weekly na ba ‘to?”

Aba, nu’ng Valentine’s celebration ng showbiz couple, umarkila talaga si Xian ng maliit na plane papuntang Palawan, huh!

Pinusuan ng netizens ang latest post ni Kim at abangers sa gagawing proposal sa kanya ni Xian!

Ian, kay Ogie natutong mag-perform 

Kumapal ang mukha ni Ian Veneracion sa pagharap sa live audience nang sugalan si Ogie Alcasid sa isang concert. Special guest pa nga sa concert sina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla. “Kaya naman kung hindi kay Ogie, hindi ko kakayaning makaharap sa live audience nang kumakanta,” pagbabalik-tanaw ni Ian sa virtual mediacon ng concert nilang Virtually Yours, KilaboTitos.

Hindi man natuloy ang concert nina Ogie at Ian na KilaboTitos last year sa New Frontier Theater dahil sa pandemic na dala ng COVID 19, itutuloy pa rin nila ito sa March 26, 2021, 8 p.m. sa KTX.ph.

Virtual man ito, legit na legit concert ito ayon kay Ian dahil hindi ito gagawin sa simpleng lugar. “May stage, live band at iba pang gamit sa live concert kaya sulit din ang panonood nila sa streaming platform,” sey pa ni Ian.

KIM CHIU XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with