^
Ellen, makulay pa rin ang career
Ellen

Ellen, makulay pa rin ang career

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

Mukha ngang active na si Ellen Adarna sa showbiz. Kahapon ay nag-sign siya uli ng contract as endorser ng Kamiseta Skin Clinic ni Cris Roque. Nasa Cebu pa siya noon nang kausapin ni Cris, kaya noon pa man mukhang gusto nang bumalik ni Ellen sa showbiz, kahit katatapos pa lang niyang manganak kay Elias, ang baby boy nila ni John Lloyd Cruz.

At in fairness ha, na-maintain ni Ellen ang ganda ng katawan niya, ang malinis niyang kutis kaya bagay na bagay siya sa Kamiseta Skin.

Isa si Ellen sa talagang malakas ang sex appeal kaya naman kahit pa nga mother na siya, marami pa ring nagpapantasya sa kanya, isa pa rin siyang It o dream girl para sa marami.

Suwerte nga ni Cris at Kamiseta Skin dahil mala­king bagay din na si Ellen na maging face of the clinic dahil exciting personality siya. Saka sure akong magi­ging buddy sila ni Cris  dahil maganda rin ang attitude ni Ellen sa buhay.

So now, kung gusto mo ng magandang skin, go sa Kamiseta Clinic, baka makasabay mo pa si Ellen, bongga.

Mga aso, parang tao rin ‘pag inuubo

Alam mo ba, Salve, na medyo madalas ang ubo ngayon ng alaga nating dogs?

Siguro dahil sa cold spell affected din sila ng lamig, kaya madalas na naririnig ko sila na umuubo. At alam mo ba na ang gamot nila ay ‘yun ding medicine ng tao ‘pag may ubo?

‘Kaloka talaga ang pets natin, parang may alaga kang mga bata. Iyon bang affected din tayo ‘pag narinig natin ang ubo nila, at kadalasan sa madaling araw ha. Kaya tuloy inaantok ako in the middle of the day, madalas kasi napupuyat ako ‘pag inuubo sila kasi nga nakakaawa.

Naku, ‘di ba parang tayo ‘pag umuubo ang sakit sa dibdib? Naku, kasi old na ang dogs ko kaya siguro ubuhin na, parang mga lolo at lola na. Siguro para huwag ako ang magkaroon ng ubo, sinasalo na lang nila.

At nagpe-pray siguro sila na magkaroon ako ng income para may pambili ng gamot nila sa kanilang god of dogs, o kay St. Francis, ang saint of all pets.

Hay naku, ‘yung unconditional love nila talagang feel na feel mo, iyon bang hysterical sila tuwing nakikita ako, parang nakakita sila ng Santa Claus.

I love my dogs, I really do, kasi feel kong love rin nila ako.

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with