^
Catriona, nahihiyang tanggapin ang mga regalo ni Sam
Catriona

Catriona, nahihiyang tanggapin ang mga regalo ni Sam

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

Sa live online interview ni G3 San Diego kay Miss Universe 2018 Catriona Gray early this week ay isa sa napag-usapan nila ang relasyon ng beauty queen kay Sam Milby.

Nagbigay ng katanungan si Boy Abunda kung sino raw ba si Catriona kapag walang nakatingin at sino ito kapag nasa harap naman si Sam.

Napatawa muna si Miss U dahil “so tito Boy” raw ang tanong at saka sumagot.

“Who I am when no one is watching? I am very quiet. I am very introspective. I allow myself to just almost be like childlike because being in the limelight, being in the public eye, I always have this feeling like I have to hold myself to a certain standard. With the different facets of my job, I need to offer different things and usually it’s being extroverted, it’s usually being bubbly and high energy,” she said.

Pero kung tatanggalin daw niya ang lahat ng title ay para lang daw siyang isang simple at ordinaryong tao.

With Sam naman daw, aniya ay malambing siya sa boyfriend.

“I’m very lambing,” sabay-tawa. “It’s true, I’m just that type of person in a relationship but I’m also very considerate and I am very mindful as a partner. That’s just the kind of person that I am, that I’m very considerate of his feelings,” aniya.

Maserbisyo rin daw siyang tao at ‘yun daw ang love language niya.

When asked kung ano naman ang love language ni Sam, aniya. “service rin, and time and gifts.”

Natatawa pa niyang sey, “actually hindi ako masyadong relate sa gifts because out of all the love languages, that’s the one that I don’t have.”

Mahilig daw magregalo talaga si Sam at nahihiya naman daw siyang tanggapin ang gifts nito. “He’s really into gifts. I am one of those people that doesn’t know how to accept gifts well. You know, like I feel hiya. But he’s very, very sweet. He’s really acts of service and time so we’re able to relate to each other very well,” sey pa ng beauty queen.

Rita, ‘di nasagot ang hate na pagkain ni Ken

Sumabak sa isang compatibility test ang Kapuso love team at Ang Dalawang Ikaw stars na sina Ken Chan at Rita Daniela sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang questions tungkol sa kanilang buhay at career.

Ibinahagi nina Rita at Ken na sa Sunday variety show na Party Pilipinas sila unang nagkita. Kuwento pa ng aktor, noon pa lang daw ay naramdaman na niya agad ang posibilidad na magkaroon sila ng love team.

“Nu’ng nagkita kami sa Party Pilipinas, sinabi ko sa kanya, ‘bagay tayo, puwede tayo maging love team.’ Hala, nagkatotoo nga,” ayon kay Ken.

Nagpaulan naman ng kilig vibes ang dalawa sa pangalawang tanong kung saan hindi nasagot nang tama ni Rita ang tanong kung ano ang pinakaayaw na pagkain ni Ken. Bilang parusa, kailangang halikan ni Rita ang isang paboritong parte ng katawan ni Ken at ito ang talukap ng mata ng aktor dahil ito raw ay “maganda” at “super expressive.”

Samantala, sasabak naman sa mas mature roles sina Rita at Ken sa kanilang upcoming Kapuso series na Ang Dalawang Ikaw kung saan gaganap bilang mag-asawa ang dalawa.

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with